Una sa Balita

Horoscope 09/12/2018

0 141

ARIES (March 21-April 19) – Marami kang makakasalamuha ngayon na bagong personalidad na makakatulong sa iyong career. Palalimin ang koneksyon at maghahatid ito ng benepisyo sa hinaharap. Lucky number for today:  30 

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi agad ilalapit sa iyo ang hinihintay mong tagumpay. Kailangang may gawing kang pagbabago bago tuluyang mabuksan ang oportunidad. Dagdagan pa ang tiyaga. Lucky number for today:   5 

GEMINI (May 21-June20) – Kung hindi ka makabiyahe sa malayo, puwede namang sa malapit lamang. Gumawa rin ng mga kinakailangang investment. Hindi magiging madali ang landas na tinatahak kaya ngayon pa lamang kailangang maging handa. Lucky number for today: 40

CANCER (June 21-July 22) –  Bigyan ng reward ang sarili. Pagkatapos ng matindihang pagtatrabaho, deserve mo namang makapagrelaks. May ilang mga dating kaklase ang magiging daan para magkaroon ng malaking pagbabago sa buhay. Lucky number for today: 56

 LEO (July 23-August 22) –  Madali ka lamang makakuha ng atensyon. Kung ikaw ay nasa sales, madali lamang para sa iyo ngayon ang makapagbenta. Gamitin ang pagkakataong ito para makuha ang target mo. Marami ang handang makinig at may mabubuksang pinto para sa iyo. Lucky number for today: 4 

VIRGO (August 23-September 22) – Ibigay ang iyong best effort. Hindi mo man kaya ang perfection, kung ibubuhos mo ang effort mo ay hindi ka mabibigo sa resulta. Makakabayad ka na sa isang pagkakautang. Lucky number for today: 7 

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Wag mahiyang ipakita ang iyong mga nakatagong talento. Sa anumang kompetisyon ngayon, ikaw ang mangingi­babaw. Wag palagpasin ang oportunidad. Lucky number for today: 2 

SCORPIO (October 23-November 21) – Nasa teamwork ang sikreto ng araw na ito. Iwasan munang magsolo kahit gaano ka kagaling. Makakabubuting ibigay mo ang iyong kooperasyon. Lucky number for today:  51 

SAGITTARIUS (November 22-December 21) –  Ikaw ang hinihintay ng lahat para tumayong lider. Wag biguin ang mga taong umaasa sa iyo. Mas malaki ang magagawa mo kumpara sa iyong iniisip. Lucky number for today:  25 

CAPRICORN (December 22-January 19) –  Kung hindi na umuubra ang kasalukuyan mong sitwasyon, bakit hindi ikonsidera ang paglipat. Wag makuntento sa maliit lamang kung kaya mo namang makuha ang mas mala­king benepisyo. Lucky number for today: 6 

AQUARIUS (Ja­nuary 20-February­ 18) –  Sapat ang kumpiyansa mo para mangibabaw sa araw na ito. Ilang tao ang maaring nayayabangan sa iyo. Pero alalahaning hindi mo mapapasaya ang lahat. Habang nasa tama ka, tuloy-tuloy lamang. Lucky number for today: 41 

PISCES (February 19-March 20) – Hindi ito ang araw para ilantad mo ang lahat ng hawak na baraha. Hayaan mong manati­ling misteryo sa ibang tao ang ilang bahagi ng buhay mo. Ito ang nagpapatingkad sa iyong karisma. Lucky number for today: 55