Una sa Balita

Horoscope 09/11/2018

0 109

ARIES (March 21-April 19) – Kumbinsido ang mga tao sa paligid mo na isa kang magaling na lider lalo na sa mga pagkakataong kailangan ang madaliang desisyon. Muli mo itong mapapatunayan ngayon. Isang personal na relasyon ang magkakaroon ng pagbabago. Lucky number for today: 19.

TAURUS (April 20-May 20) – May isang pagbibiyaheng gagawin na magbubukas ng oportunidad para sa bagong koneksyon. Kailangan ding bigyang-pansin ang kalusugan at ‘wag abusuhin ang katawan. Lucky number for today: 33. 

GEMINI (May 21-June 20) – Nakakapagpasaya sa iyo ang pagtulong sa mga taong mahal mo. Iwasan lamang na idikta ang gusto mo. Sa halip, bigyan ng magkaibang opsyon ang iyong mahal sa buhay at hayaang siya ang magbitaw ng pinal na desisyon. Lucky number for today: 5. 

CANCER (June 21-July 22) –  Positibo ang epekto sa iyo ng isang bagong kaki­lala. Hindi masamang ikonsidera ang isang partnership. Marami kayong mapagtatagumpayan kung pagsasamahin ang inyong puwersa. Lucky number for today: 1. 

LEO (July 23-August 22) –  Lahat ay kumbinsido na isa kang hard worker. At maging ang mga mas nakakataas ng posisyon ay naniniwalang karapat-dapat kang bigyan ng mas mabigat na tungkulin. Iwasan lamang na maging mas­yadong kampante para maiwasan ang ilang aberya. Lucky number for today: 55. 

VIRGO (August 23-September 22) – Isang sorpresa ang hatid ng aspetong romansa. Magagawa mong lagpasan ang isang boring na routine. Sa mga single, isang bagong admirer ang ilalapit. Lucky number for today: 40. 

LIBRA (September 23-October 22) – Paborableng talikuran ang isang nakagawiang tradisyon sa pamilya. Nagdudulot lamang ito ng mga hindi kinakailangang restriksyon sa iyong buhay. Makakaunawa ang iyong mga kapamil­ya. Lucky number for today: 58. 

SCORPIO (October 23-November 21) – Kung may dapat sabihin, ideretso na ito sa mga nakatataas at huwag nang idaan sa mga nasa mababang posisyon. Mas magiging malinaw ang mensahe at madali itong matatanggap kung sa iyo mismo magmumula. Lucky number for today: 24. 

SAGITTARIUS
(November 22-December 21) – Hindi masamang gumastos. Kailangan lamang na magtira para sa hinaharap. Kontrolin ang tukso na bumili ng mga hindi naman gaanong kakailanganin. Lucky number for today: 46. 

CAPRICORN (December 22-January 19) – Ang pag-uumpisa ng isang plano ang magdudulot sa iyo ng ibayong excitement. Ilang kaibigan ang hindi naniniwala sa iyong inuumpisahan pero mapapatunayan mong walang dahilan ang kanilang pangamba. Lucky number for today: 37. 

AQUARIUS (January 20-February 18) – Patuloy kang kakampi ng mga kapus-palad at dahil dito’y solido ang suportang nakukuha mo sa mga taong nasa paligid. Iilan lang ang maituturing na kakontra at hindi na sila dapat pag-aksayahan ng panahon. Lucky number for today: 58. 

PISCES (February 19-March 20) – Magaganda ang mga ideyang naibibigay mo at napapansin ito ng mga nakakataas sa iyo. Sa malapit na hinaharap, maaari kang ma­bigyan ng mas mabigat na papel. Lucky number for today: 32.