Una sa Balita

Horoscope 09/09/2018

0 114

ARIES (March 21-April 19) – Hindi lamang pamilya ang nami-miss mong kasama ngayon kundi pati ang mga kaibigan na matagal mo nang hindi nakikita. Gamitin ang araw na ito para iparamdam sa kanila na hindi mo pa rin sila nakakalimutan. Ibang kasiyahan ang hatid pag kasama ang mga minamahal. Lucky number for today: 36

TAURUS (April 20-May 20) – Mas maigsi ang pasensya mo sa araw na ito. At kahit araw ng pahinga, trabaho pa rin ang nasa isip mo. Iwasan lamang na idamay sa pressure na nararamdaman ang iyong mga mahal sa buhay na gusto lamang makasama ka. Lucky number for today: 1

GEMINI (May 21-June 20) – Hindi paborable ang araw na ito para sa anumang investment pati na sa paggastos. May isang bagay na naghahatid ng kalungkutan. Posibleng may kinalaman ito sa isang nakaraan. Lucky number for today: 4

CANCER (June 21-July 22) – Sa araw na ito, pamilya ang higit na mahalaga para sa iyo. Ang mga plano mo ay iikot sa iyong mga mahal sa buhay. ‘Wag mangamba, makapaghihintay ang mga seryosong trabaho. Lucky number for today: 50

LEO (July 23-August 22) – May ilang aber­yang hindi maiiwasan pero meron din naman mga positibong hatid ang araw na ito. May mabubuksang magandang oportunidad para sa pananalapi. Habang ang gabi ay dapat ibigay sa taong pinaka-espesyal sa buhay mo. Lucky number for today: 6

VIRGO (August 23-September 22) – Mapapaboran ang linya ng komunikasyon. Kaya mong sabihin ang lahat ng gusto mo at matatanggap ito ng kausap mo. Ang isang trabahong ipinagpaliban ang magagawa na ring tapusin. Lucky number for today: 29

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Blood is thicker than water kaya naman lahat ay gagawin mo para sa iyong pamilya. Magkakaroon ka rin ng pagkakataong suklian ang isang matagal nang utang na loob. Lucky number for today: 4

SCORPIO (October 23-November 21) – Isang constructive na araw ito para sa iyo. Marami kang mahaharap na obligasyon. Magiging makulay din ito para sa aspeto ng romansa. May pagkakataon na maaaring mabuksan sa mga single at naghahanap ng mamahalin. Lucky number for today: 12

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Nasa mood ka ngayon para bigyan ng espesyal na atensyon ang iyong pamilya at malalapit na kaibigan. Makakabawi ka na sa mga naging pagkukulang sa ilang araw na nagdaan. Lucky number for today: 39

CAPRICORN (December 22-January 19) – Ilang pakialamerong tao ang magiging isyu ngayon. Makikita mo kung ano ang kanilang tunay na intensyon. Makabubuting umiwas sa intrigang hatid nito. Hindi makakatulong ang pagpatol. Lucky number for today: 50

AQUARIUS (January 20-February 18) – Pagkakataon mo ngayon para magpa-impress. May oportunidad para lalo pang lumutang ang iyong kakayahan. Mapapansin ito ng mga kinauukulan at hindi ka mabibigo sa kanilang komento. Lucky number for today: 49

PISCES (February 19-March 20) – Magpokus na lamang sa mga obligasyong dapat harapin. Ang mga negatibong isyu partikular sa pamilya ay dapat munang isantabi. Hinta­ying kumalma ang mga emosyon bago ito muling ungkatin. Lucky number for today: 1