Una sa Balita

Horoscope 09/08/2018

0 138

ARIES (March 21-April 19) – Wag payagan ang ibang tao na ungkatin ang iyong pribadong buhay. Maaaring magamit ang anumang personal na impormasyon laban sa iyo sa hinaharap. Kilalanin lamang kung sino ang dapat pagtiwalaan. Lucky number for today: 12 

TAURUS (April 20-May 20) – Anumang pagdududa sa mga nagdaang araw ay mabibigyan na ng closure. Magtiwala lamang sa iyong sarili dahil nakikiayon ang araw na ito para maipakitang may malaki at importante kang kontribus­yon. Lucky number for today: 50 

GEMINI (May 21-June 20) – Hindi magiging mahirap para sa iyo ngayon ang pakikipagkomunikasyon. Maging ang ilang isyu sa pamilya ay mabibigyan na ng solusyon. Gamitin ang araw na ito kasama ang iyong mga mahal sa buhay. Lucky number for today: 17 

CANCER (June 21-July 22) – Kung masyado kang nagiging predictable, oras na para ipakita sa iyong mga kaibigan na may iba ka pang magagawa. Umiwas lamang sa anumang extremes na ideya. Lucky number for today: 22 

LEO (July 23-August 22) – Nasa iyo ang pagkakataon ngayon para magkaroon ng ekstrang kita. Pinapaboran ang aspeto ng pananalapi at may mabubuksang oportunidad para sa dagdag na kita. Lucky number for today: 38 

VIRGO (August 23-September 22) – Isang dating isyu ang magiging malinaw sa iyo. May leksyon itong iiwan na magagamit mo sa nalalapit na hinaharap. Mas alam mo rin ngayon kung ano ang diskarte na dapat gawin. Lucky number for today: 57 

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Maaaring magkasunod-sunod ang ilang aberya. Bawat hamon ay malalagpasan mo kaya walang dapat ipag-alala. Ang inaakala mong bad news ay magbubukas ng positibong oportunidad. Lucky number for today: 33 

SCORPIO (October 23-November 21) – Hindi ka dapat magtiis sa mga sitwasyong hindi mo gusto. ‘Wag matakot sabihin kung ano ang pananaw mo. Hindi mababago ang sitwasyon kung pipiliin mong manahimik. Lucky number for today: 48 

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Hindi mo kakayanin ngayon ang magpagka-low profile. ‘Wag na lamang pansinin ang komento ng iba dahil hindi mo naman kayang pasayahin ang lahat. Ituloy mo lamang kung ano ang ginagawa lalo’t alam mong nasa tamang direksyon ka. Lucky number for today: 10 

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung kailangan mo ng pahinga, ngayon ang pagkakataon para pagplanuhan ang pagbabakasyon. Makatutulong ang pagbisita sa isang lugar na hindi pa napupuntahan. Makatutulong ito para pansamantalang mairelaks ang isip. Lucky number for today: 7 

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) –  Isang bagong impormasyon ang puwedeng magbukas ng bagong interes at pagkakaabalahan. Kung pipiliin mo ito, posibleng magbago ang lugar at mga taong makakasalamuha mo. Maaring kailanganin mong lumabas ng bansa. Lucky number for today: 22 

PISCES (February 19-March 20) – Ipabatid mo sa mga kaibigan at kapamilya kung ano ang gumugulo sa isip mo. Mahirap manghula sa mga moods na ipinapakita mo. Kailangan mong linawin kung ano ang ine-expect mo sa kanila. Lucky number for today: 47