Una sa Balita

HOROSCOPE 09/07/18

0 112

ARIES (March 21-April 19) – Mailap ang katotohanan ngayong araw na ito. Nararamdaman mo kung ano ang dapat gawin para makuha ang kasagutang hanap mo pero mas makabubuting maghintay ng ilang araw. Magiging malinaw din ang lahat. Lucky number for today: 51

TAURUS (April 20-May 20) – Anumang seryosong diskusyon ay makabubuting ipagpali­ban. Mag-stick din muna sa iyong mga limitasyon kahit malakas ang tukso para balewalain ito. Balewalain din ang mga negatibong komento at feedback na nakakasira lamang ng araw. Lucky number for today: 2

GEMINI
(May 21-June 20) – Bago sumabak sa aksyon, pakiramdaman muna ang iyong sarili. Kung may pagdududa, ipagpabukas anumang plano. Manatiling positibo para hindi ka malihis ng direksyon. Lucky number for today: 1

CANCER (June 21-July 22) – Mabuti ang iyong intensyon pero may mga tao talagang mahirap kumbinsihin. Iwasan ding saluhin ang responsibilidad ng ibang tao na lalo lamang magpapabigat sa mga dalahin mo. Lucky number for today: 43

LEO (July 23-August 22) – Nakakalunod ang dami ng mga obligasyong kailangang tapusin. Oras na para humingi ng pabor at pag-alalay sa mga taong pinagtitiwalaan. Kalimutan muna ang pride. Lucky number for today: 22

VIRGO (August 23-September 22) – Maghinay-hinay sa pagdedesisyon. Posibleng masyado kang nagiging impulsive. Pag-aralan muna kung tama ang pinapasok mo. Ang pagsisisi ay laging nasa huli. Lucky number for today: 6

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Kung gusto mong tulungan ang isang taong malapit sa iyo, ituro mo kung ano ang dapat gawin at huwag mo itong gawin para sa kanya. Tulungan mo siyang maging matatag at ‘wag manatiling pabigat. Lucky number for today: 8

SCORPIO (October 23-November 21) – Marami ang nagugulat sa iyo ngayon. Hindi maiwasang humanga ng iba sa iyong diskarte. Siguraduhin lamang na wala kang sinasaktang tao at hindi magiging mahirap ang tagumpay. Lucky number for today: 21

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Maraming aberya at pagkaantala ang posibleng hindi maiwasan. Marami ring distraksyon ang mahirap tanggihan. Isang pangyayaring magpapaalala sa nakaraan ang aagaw ng iyong atensyon. Lucky number for today: 53

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kontrolin ang pagsasalita. Hindi lahat ay kailangang sabihin sa mga taong nasa harap mo. Piliin lamang ang mga impormasyon kailangan. Mag-iwan ng baraha para sa sarili mo. Lucky number for today: 39

AQUARIUS (January 20-February 18) – Iwasang agad magtiwala sa araw na ito. Ang iyong kabaitan ay maaring gamitin laban mismo sa iyo. Piliin lamang ang mga taong puwede mong pagsabihan ng iyong mga plano. Lucky number for today: 1

PISCES
(February 19-March 20) – Kailangang dagdagan pa ang paghihintay at pagtitiyaga. Ang hinaha­nap mong kasagutan ay hindi pa agad ibibigay. May tamang panahon para sa hinihintay mo. Lucky number for today: 20