Una sa Balita

HOROSCOPE 09/06/18

0 130

ARIES (March 21-April 19) – Anumang dati mong hinahabol-habol ay mare-realize mong wala nang kinang at wala nang halaga sa iyo. Itapon na ang mga bagaheng nagpapabigat lamang sa iyo. Lucky number for today: 42.

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi lahat ay kaya mong kontrolin sa lahat ng oras. Let it go. Sa halip ay ibukas ang iyong mga opsyon para makita mo ang lahat ng mga posibilidad. Iwasang i-pressure ang sarili. Lucky number for today: 19.

GEMINI (May 21-June 20) – Makakatulong ang pagdistansya sa lahat ng ingay at distraksyon. Makakatulong ang pag-iisa upang mapag-isipan mo kung nasa tamang direksyon pa ang iyong tinatahak na landas partikular sa isyung may kinalaman sa pananalapi. Lucky number for today: 55.

CANCER (June 21-July 22) – Aspetong pinansyal ang dapat ma­ging prayoridad ngayon. Mag-ingat sa pagdedesisyon sa pera at siguraduhing may madudukot ka sa mga susunod pang araw. Ang aspeto ng romansa ay pinapaboran kung patuloy kang makikiayon. Lucky ­number for today: 6.

LEO (July 23-August 22) – Kung may desisyon na hindi mo mabitiw-bitiwan, ngayon na ang pagkakataon para rito. Dumating na ang go signal na hinihintay mo. Pakinggan kung ano ang sinasabi ng iyong kutob. Lucky number for today: 27.

Related Posts

VIRGO (August 23- September 22) – Push mo pa ang iyong sarili. Sikaping malagpasan ang mga inaakala mong sariling limitasyon. Mas malaki ang iyong kakayahan kaysa iniisip mo. Kailangan lamang ang dagdag na kumpiyansa. Lucky number for today: 38.

LIBRA (September 23-October 22) – Alisin ang mga judgment at pagiging bias na nagpapakitid ng iyong mundo. Love unconditionally at magkakaroon ng hina­hanap mong improvement sa iyong relasyon. Lucky number for today: 50.

SCORPIO (October 23-November 21) – Nabubuksan na ang pinto para sa hinahanap mong tagumpay at masusuklian na ang mga lahat ng ­effort mo. Tuloy lamang sa anumang nasimulan at ‘wag mawalan ng pag-asa. Lucky number for today: 14.

SAGITTARIUS
(November 22-December 21) – Gaano man kaganda ang nakaraan, ito’y tapos na. Move on dahil nasa harap mo na ang bagong aksyon. Malalagpasan ka ng oportunidad kung patuloy na magpopokus sa iyong nakaraan. Lucky number for today: 28.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Laging may dahilan kung bakit hindi umubra ang iyong mga plano. Posi­bleng may mas magandang inilalaan para sa iyo. Iwasan ding sisihin ang ibang tao. Alala­haning ikaw pa rin ang may hawak sa kontrol ng iyong buhay. Lucky number for today: 3.

AQUARIUS (January 20-February 18) – ‘Wag pansinin ang ‘haters’. Ang pagkainis nila sa iyo ang magiging bagaheng pabigat para sa kanila. Tuloy-tuloy ka lamang sa mga effort mo at hindi ka mabibigo sa resulta. Kalimutan na ang mga emosyunal na bagahe. Lucky number for today: 30.

PISCES (February 19-March 20) – Magpokus sa anumang trabaho iniatang sa iyo. Maaaring hindi mo pa kabisado ang lahat pero ito’y matututunan at kayang pagtagumpayan. ‘Wag munang paistorbo sa anumang uri ng distraksyon. Lucky number for today: 38.