Una sa Balita

Horoscope 09/05/2019

0 335

ARIES (March 21-April 19) – ­Iwasang igiit ang iyong ­opinyon ­ngayong araw na ito. Kapag ­masyadong ­agre­sibo ang approach mo, makakahanap ka ng ­katapat. ­Alalahaning ­hindi lamang ikaw ang may sariling opinyon. Lucky number for ­today: 57

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi mo kailangang manatiling nakangiti sa isang taong matagal nang nagsisilbing tinik sa iyong daan. Ngayong araw na ito, ­hindi masamang ipabatid sa kanya ang iyong nararamdaman pero gawin ito sa diplomatikong pamamaraan. Lucky number for today: 3

GEMINI (May 21-June 20) – Madali lamang mapipikon sa iyo ngayon ang ilang importanteng indibidwal sa buhay mo kung masyado mo silang ipu-push. Panatilihin ang respeto sa lahat ng pagkakataon para hindi ka malagay sa alanganing sitwasyon. Lucky ­number for today: 17

CANCER (June 21-July 22) – Ngayon mo mare-­realize na ang isang bagay na ­inakala mong simple lang ay kompli­kado pala. Gawin ang ­adjustment na kinakaila­ngan at ito’y ­malulusutan. Makaka­tulong ang ilang ­kaibigan. Lucky number for today: 27

LEO (July 23-­August 22) – May isang ­taong ­naglilihim sa’yo at ­hindi ito nakaapekto sa iyo sa nakaraan. Sa ­pagkakataong ito, manatili pa ring kalmado at ‘wag magpadala sa mga negatibong iniisip. Lucky number for today: 46

VIRGO (August 23-September 22) – Dedma muna sa mga ­taong nagmamaliit sa iyong kakayahan. Ang katotohanan ay nagseselos sila sa iyo lalo na sa ­ambisyon mo na nakikitaan nila ng direksyon. ­Tuloy-tuloy ­lamang sa mga plano mo. Lucky number for today: 11

Related Posts

LIBRA ­(September 23-October 22) – Kung hindi mo ­binabago ang approach mo sa isang ­sitwasyon o isang ­problema, parehas din ang makukuha mong ­resulta sa mga ­nagdaan. ‘Wag ­katakutan ang anumang pagbabago. Lucky ­number for ­today: 30

SCORPIO (October 23-November 21) – ‘Wag masyadong magmadali lalo na sa pagdedesisyon. May mga usapin na kailangang pag-isipan nang mabuti. ­Kailangang ­kumbinsido ka sa ­magiging ­posisyon mo para walang ­pagsisihan. Lucky number for ­today: 12

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Habang ­dumarami ang pumipilit sa iyo na magbago ng posisyon lalo ka namang ­natatakot ­gumawa ng anumang hakbang. Sa ganitong ­sitwasyon, pakinggan ang ibinubulong ng puso dahil ikaw ang dapat mas nakakaalam kung ano ang nararapat para sa sarili mo. Lucky number for today: 1

CAPRICORN (December 22-January 19) – Hindi ka ­nawawalan ng kumpiyansa pero anumang sobra ay ­masama. ­Pakinggan din ang ­sinasabi ng mga tao sa paligid mo lalo na ang mga kaibigan mo at kapamilya. Lucky number for today: 10

AQUARIUS ­(January 20-February 18) – Mataas ang iyong energy level ngayon kaya hindi masamang ilagay ito sa mga bagong pagkakaabalahan. Oras na para ibigay ang iyong commitment at konsentrasyon sa gusto mong gawin. Sa pagkakataong ito, it’s all or nothing! Lucky ­number for today: 20

PISCES (February 19-March 20) – May tensyon o hindi pagkakaunawaan na ­puwedeng mangyari at kapag ­hindi ito nakontrol, ­tatagal ang tampuhan ng ilang ­linggo. Iwasang ­magpatangay sa bugso ng ­emosyon. Lucky number for today: 40

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy