Una sa Balita

HOROSCOPE 09/05/18

0 163

ARIES (March 21-April 19) – Mahirap magrelaks kapag may mga naghihintay na obligasyon at res­ponsibilidad. May kailangan kang bitawan pagdating sa iyong lovelife. Hindi makaka-move on kung patuloy na magmamatigas. Lucky number for ­today: 3.

TAURUS (April 20-May 20) – Mahirap para sa iyo ngayon ang makipag-socialize. Mas paborable ang mapag-isa para matapos ang lahat ng mga ipinupursige at mas makapag-isip ng mga dapat pang gawin. Lucky number for today: 58.

GEMINI
(May 21-June 20) – Kung may mga naging aberya sa mga nagdaang araw, mag-uumpisa nang makakita ng liwanag ngayon. Malinaw din sa iyo kung ano ang mga dapat gawin. Walang dapat sayanging oras. Lucky number for ­today: 26.

CANCER (June 21-July 22) – Ang mga pinapantasya mo ay nalalapit na sa katotohanan. Sa aspeto man ito ng romansa o sa iyong career, may hatid na inspirasyon ang maghapong ito. Lucky number for today: 31.

LEO (July 23-­August 22) – ‘Wag maging sarado ang isip lalo na kung may nabubuksang oportunidad sa mga bago. Naghihintay ang mga positibong pangyayari kaya ‘wag matakot makipagsapalaran. Lucky number for ­today: 15.

VIRGO (August 23-September 22) – Isang kaibigan ang pag-uugatan ng mga kadramahan sa araw na ito. May epekto rin ito sa iyo at posibleng makaagaw ng atensyon sa mga mas importanteng isyu. Lucky number for today: 20.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Kung sa mga nagdaang araw ay wala kang gana sa lahat ng mga nangyayari sa iyo, kabaligtaran ang araw na ito. Nasa tamang direksyon ka kaya tuloy-tuloy pa at ‘wag munang bibitaw. Lucky number for today: 14.

SCORPIO (October 23-November 21) – Hindi mo kailangang maging boss ngayon. Mas mainam pa rin ang maging lider. Mala­king pagkakaiba ang dalawa at dapat mo itong maipakita sa ­lahat. Lucky number for ­today: 50.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Hindi kailangang ma-guilty kung may gusto ka mang gawin. Huwag na ring isipin ang sasabihin ng iba. Hindi naman maiiwasan ang pamumuna ng mga taong naiinggit sa iyo. Lucky number for today: 1.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung may kaila­ngan kang paghandaan, siguraduhin mula sa pananamit mo hanggang sa pagsasalita ay mapag-iisipan. Malaki ang nakasalalay kaya kailangang doblehin ang effort. Lucky number for today: 28.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kahit plantsado na sa isip mo ang mga plano, kailangan mong muling balikan ang bawat hakbang. May isang maliit na detalye na puwedeng hindi mo napag-uukulan ng pansin. Lucky number for today: 4.

PISCES (February 19-March 20) – Paka­iwasan ngayon ang komprontasyon lalo na sa isang taong importante sa iyo. Gayunpaman, may hawak kang alas laban sa taong ito. Kailangan mo lamang gamitan ng diplomasya ang anumang pakikipag-usap. Lucky number for today: 6.