Una sa Balita

HOROSCOPE 09/03/18

0 110

ARIES (March 21-April 19) – Iwasang pagsabay-sabayin ang napakara­ming gawain dahil mas maraming pagkakamali ang maaaring magawa. Kumalma muna at ‘wag paapekto sa tensyon. May mga kaibigang handang umalalay. Lucky number for today: 27.

TAURUS (April 20-May 20) – Manatili muna sa mga pamilyar na aktibidad. Hindi ito ang araw para makipagsapalaran sa mga bagay na hindi ka komportable. Maging maingat din sa pagdedesisyon sa isyung may kinalaman sa relasyon. Lucky number for today: 30.

GEMINI (May 21-June 20) – Magpokus sa iyong sarili at sa mga emosyunal mong pangangailangan. May mga conflict sa paligid. Mahirap para sa iyo ang umiwas kaya mas makabubuting gumawa na lamang ng kinakailangang adjustment. Lucky number for today: 14.

CANCER (June 21-July 22) – Masyado mo nang kinikimkim ang ilang emosyon at posibleng hindi na maiwasang mailabas ito ngayon. ‘Wag mangamba, handang makinig sa iyo ang mga kinauukulan. Iwasan lamang makapa­nakit ng damdamin ng iba. Lucky number for today: 19.

LEO (July 23-August 22) – Maging mature at piliin ang ikabubuti ng mas nakararami kaysa iyong personal na interes. Sa pagkakataong ito, kailangan mong magsakripisyo para sa kabutihan ng lahat. Lucky number for today: 30.

VIRGO (August 23-September 22) – Hindi makikiayon ang mga pangyayari at may drama na posibleng magdulot ng mataas na tensyon. Kakailanganing humingi ng patawad sa mga taong nasaktan at naapektuhan. Lunukin muna ang pride. Lucky number for today: 51.

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Magiging malinaw ngayon kung ano ang tunay na intensyon ng isang tao sa paligid mo. Isang pakikipag-usap ang magiging daan para maging mas malalim ang inyong koneksyon. Piliing magpakatotoo sa nararamdaman. Lucky number for today: 44.

SCORPIO (October 23-November 21) – Maraming negatibong nangyayari sa iyong paligid pero habang hindi ka naman direktang apek­tado, may pagkakataon kang dumistansya. Mas makakamit ang progreso kung pipiliing umaksyon kaysa magsalita. Lucky number for today: 6.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Maaaring hindi maiwasang magkaroon ng isyu sa relasyon at sa mga goals mo sa buhay. Posibleng masyadong natutuon ang iyong atensyon sa iyong lovelife at naisa­santabi na ang mga dapat mong gawin. Kailangang ibalanse ang lahat. Lucky number for today: 34.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kailangang maging praktikal ka ngayong araw na ito. Umiwas muna sa mga tukso at distraksyon. Sa halip na tumutok sa mga hindi importanteng bagay, unahin muna ang mga naghihintay na obligasyon. Lucky number for today: 12.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Minsan sa pagrerelaks lumulutang ang iyong pagiging creative. Gawin ito at ipahinga muna ang isip sa mga tensyon at intriga. Mas marami kang maa-achieve kung makakapag-recharge. Lucky number for today: 52.

PISCES (February 19-March 20) – Hindi ito ang araw para ibuhos ang effort sa pagbibigay ng kung ano-anong komento at daing sa buhay. Piliting maging positibo at magpokus sa mga taong nagsisilbing inspirasyon mo sa buhay. Lucky number for today: 30.