Una sa Balita

Horoscope 09/02/2018

0 121

ARIES (March 21-April 19) – Malakas ang kaway ng tukso para sumubok sa mga bagong karanasan. Bago sumabak, alalahanin muna kung ano ang puwedeng maging kabayaran. Ang panandaliang saya ay maaaring may pangmatagalang epekto. Lucky number for today: 58

TAURUS (April 20-May 20) – May mga pagkaantala na puwedeng mangyari sa aspeto ng iyong lovelife. Bago maubusan ng pasensiya, alalahaning makatutulong ang pagkakataong ito para makapag-isip nang husto. Kapit lang, parating na ang mga hinihintay mong resulta. Lucky number for today: 27

GEMINI (May 21-June 20) – Itanong sa iyong sarili kung hanggang saan ang iyong kayang gawin para ipaglaban ang iyong nararamdaman. Balansehin ito sa mas makakatotohanan at hindi pag-iilusyon lamang. Hindi paborable ang padalos-dalos na pagdedesisyon. Lucky number for today: 14

CANCER (June 21-July 22) – Maging bukas sa isang taong ngayon mo lamang nakikilala. Bigyan siya ng pagkakataong mapatunayan ang kanyang sinseridad. Lucky number for today: 45

LEO (July 23-August 22) – Sa araw na ito, isa sa mga plano mo ang malilihis ng direksyon. ‘Wag na lamang kumontra dahil matutumbok din nito ang tinatarget mo. Hindi man direkta, makakarating ka rin sa gusto mong destinasyon. Lucky number for today: 3

VIRGO (August 23- September 22) – Gusto mong makipaglaban nang sabayan pero hindi uubra ito. Kailangan pa rin ang diplomasya kung ayaw mong malagay ka sa alanga­ning sitwasyon. Habaan pa ang pasensya. Lucky number for today: 44

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Kailangan mong maging mas creative pagdating sa iyong lovelife. Kung may nakikita kang pagkontra sa iyong mahal, dagdagan pa ang tiyaga. Huwag agad sumuko kung nega­tibo ang makuha mong resulta. Lucky number for today: 56

SCORPIO (October 23-November 21) – Ang mga nangyayari ay dapat ituring na wake up call. ‘Wag masyadong magpadala sa stress. Ang lahat ng nangyayari ay may dahilan. Lucky number for today: 51

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Ang pakikipag-usap sa mga taong pinagtitiwalaan ay may malaking­ maitutulong para mabawasan ang stress na nararadaman. ‘Wag sarilinin ang bigat, maraming gustong umalalay. Lucky number for today: 42

CAPRICORN (December 22-January 19) – Ilang taong malapit sa iyo ang maaaring pag-ugatan ng iyong stress. May kalituhang hatid ang hindi pangkaraniwang ipinakikita nila. Kakaila­ngan mong makipag­linawan. Lucky number for today: 5

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hindi lahat ng nangyayari sa iyo ay kailangang sabihin sa mga taong nasa paligid mo. May pagkakataong kailangan mong panatilihing pribado ang ibang bagay. May nalalapit na pagbibiyahe. Lucky number for today: 35

PISCES (February 19-March 20) – Makulay ang mga planong naglalaro sa iyong isip pero kailangan muna nito ng solidong pundasyon. Makakatulong ang opinyon ng mga taong pinagtitiwalaan para ganap itong magkaroon ng katuparan. Lucky number for today: 16