Una sa Balita

Horoscope 09/01/2018

0 139

ARIES (March 21-April 19) – Sa araw na ito, hindi masamang ikonsidera ang iyong kutob. Mas kabisado mo ang sarili mo kaysa sa ibang tao. Panindigan ang nararamdamang mong tama at hindi ka mabibigo sa makukuhang resulta. Lucky number for today: 45

TAURUS (April 20-May 20) – Maging bukas sa mga bagong posibilidad. Kung sa ibang pagkakataon ay pinipili mo ang pananahimik, paborable ngayong araw na ito na mag-try at magsalita. Hindi ito ang araw para maging sunud-sunuran. Lucky number for today: 9

GEMINI (May 21-June 20) – Hindi mo maitatago sa lahat na merong bagay na nakakabalisa sa iyo. Sa halip na isantabi, harapin ito para mabawasan ang pressure. Nasa determinasyon ang susi. Lucky number for today: 54

CANCER (June 21-July 22) – Push lang sa mga plano at nabubuksan na ang oportunidad para sa iyo, business man ito o para sa sarili mo lamang pleasure. Pagdating sa pakikipag­relasyon, panatilihing bukas ang linya ng komunikasyon at iwasang maglihim sa iyong mahal. Lucky number for today: 15

LEO (July 23-August 22) – Kung sigurado ka, take charge. Marami ang naniniwala at sumusunod sa iyo. Kailangan mo lamang manatiling totoo sa sarili mo at sa ibang tao. Lucky number for today: 16

VIRGO (August 23-September 22) – ‘Wag kang paapekto sa mga negatibong tao. Tuloy mo lamang ang nasimulan mo at marami kang maa-achieve. Stay positive! Lucky number for today: 5

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Posibleng maging mailap ngayon ang pagkakataon para sa isang ipinupursige mo. Kailangan ding maging alerto sa isang kaibigan na maaring hindi nagiging totoo sa iyo. Lucky number for today: 3

SCORPIO (October 23-November 21) – Magtiwala sa advice ng mga pinagtitiwalaang kaibigan. Ilang beses mo nang napatunayan ang kanilang sinseridad. Bigyan din ng panahon ang pag-unwind kasama ang iyong partner. Lucky number for today: 29

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Nasa lovelife ang pokus ngayon. Dagdagan­ pa ang effort para gawing­ espesyal ang araw na ito para maipakita sa iyong special someone na espesyal nga siya para sa iyo. Lucky number for today: 50

CAPRICORN (December 22-January 19) – Ihanda ang listahan mo ng mga dapat gawin at makikita mong pinapaboran ka sa araw na ito. Mas marami kang maa-accomplish kaya tuloy-tuloy lang sa effort. Nasa iyo ang suporta ng iyong pamilya at mga kaibigan. Lucky number for today: 57

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Mahirap ngayong makipagsabayan. Kalma lang at magrelaks muna. Kakailanganin mo ng sapat na enerhiya sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 17

PISCES (February 19-March 20) – Habang nagpupumilit ka, tila lalong nagiging mailap ang gusto mong maabot. Baguhin ang estratehiya. Magrelaks at nang makapag-isip kung anong adjustment ang kinakailangan. Lucky number for today: 51