Una sa Balita

Horoscope 08/31/2018

0 112

ARIES (March 21-April 19) – Iwasan munang makisalamuha sa mga negatibong tao. Isang kapamilya ang magiging daan para mabawasan ang stress na ilang araw nang nagpapahirap sa iyo. Bigyan din ng oras ang sarili para makapag-recharge ng iyong enerhiya. Lucky number for today: 39 

TAURUS (April 20-May 20) – Mapangha­mon ang araw na ito. Ang anumang minamadali mo ay tila lalong natatagalan. Ilang indibidwal ang nagiging dahilan ng mga pagkaantala. Dagdagan pa ang pasensya. Lucky number for today:  48 

GEMINI (May 21-June 20) – Isang pakikipag-usap sa isang babaeng kaibigan ang magiging importante sa iyo ngayon. Maaaring­ may kinalaman ito sa isang sikreto. Nasa pamil­ya rin ang pokus nga­yon. Lucky number for today: 10 

Abante Hiring – IT dep

CANCER (June 21-July 22) – Ilang pribadong impormasyon tungkol sa iyong sarili ang posibleng maging isyu ngayong araw na ito. Ito’y dahil marami nang nakakapansin sa iyo. Hindi masamang ikonsidera ang mga ideyang may kinalaman sa aspetong pinansyal. Lucky number for today: 52   

LEO (July 23-August 22) – Malakas ang kagustuhang sumabak sa isang bagong adventure. Hindi masamang ikonsidera ito kasama na ang isang pagbibiyahe. Bumisita sa isang lugar na hindi mo pa napupuntahan. Paborableng araw ito para sa komunikasyon. Lucky number for today: 57 

VIRGO (August 23- September 22) – Mas kumpiyansa ka sa araw na ito at kaya mong hawakan ang kontrol. Mas competitive ka rin kum­para sa mga nagdaang araw. Pinapaboran ang aspeto ng romansa at pananalapi. Lucky number for today: 12 

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Piliing maging low profile sa araw na ito at sa mga susunod pa. Iwasan munang masangkot sa anumang tensyon at intriga. Isang isyu sa pamilya ang possible ring makaagaw ng iyong atensyon. Lucky number for today: 18 

SCORPIO (October 23-November 21) – Mataas ang iyong popularidad ngayon kahit hindi lahat umaayon sa iyong mga ideya at pana­naw. Posible ring hindi maiwasan ang ilang maiinit na diskusyon pero magagawa mo ito sa kalmadong pamamaraan. Lucky number for today: 46 

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Ipursige kung ano ang talagang gusto mo. Magbiyahe, magbakasyon o kaya’y magkaroon ng isang bagong sports o libangan. Maging­ ang mga taong nakakataas ng posisyon ay positibo ang pagtingin sa iyo. Lucky number for today: 27 

CAPRICORN (December 22-January 19) – Isang pakikipag-usap sa isang kapamilya ang magkakaroon ng mala­king impact sa araw na ito. Kontrolin ang bugso ng emosyon. Hindi mo gugustuhing makasakit ng damdamin ng taong mahal mo. Lucky number for today: 43 

AQUARIUS (Ja­nuary 20-February 18) – Wag mag-aksaya ng oras sa mga hindi importanteng usapin. Mas maraming mahalagang bagay na kailangan mong pagtuunan ng atensyon. Diretsahin ang bawat ipinararating na mensahe. Lucky number for today: 8 

PISCES (February 19-March 20) – Maari pa ring maging isyu ang pananalapi. Sa pagkakataong ito, may opsyon para magkaroon ng dagdag na pagkukunan ng pera. Marami ring pinto ang mabubuksan para sa iyo. Lucky number for today: 23