Una sa Balita

Horoscope 08/30/2018

0 162

ARIES (March 21-April 19) – Posib­leng magkaroon ng tensyon sa araw na ito. Iwasang magtaas ng boses kung ang kausap ay mas nakatataas sa iyo ng posisyon para maka­iwas sa anumang gusot. ‘Wag ding magmadali sa mga pagdedesisyon. Lucky number for today: 23. 

TAURUS (April 20-May 20) – Sa gitna ng kaabalahan ng mga tao sa paligid mo, posibleng ma-isolate ka ngayon. Sa halip na malungkot, gamitin na lamang ang araw na ito para rebisahin ang mga plano mo sa buhay. Lucky number for today: 39. 

GEMINI (May 21-June 20) –  Isang kaibigan ang mananatiling nakadistansya sa iyo. ‘Wag munang damdamin ang paglalayo. Bigyan ng panahon na maghilom ang sugat at mabura ang sakit. Lucky number for today: 47. 

CANCER (June 21-July 22) –  May tensyon sa pakikipag-usap sa ilang kaibigan, partner sa buhay o posibleng sa mga taong nakakataas sa iyo ng posisyon. Mas sensitibo sila sa mga kritisismo ngayon kaya iwasan munang magkomento. Lucky number for today: 40. 

LEO (July 23-August 22) –  May ilang maliliit na aberyang puwedeng maranasan ngayon lalo na kung may pagbibiyahe kang kailangang gawin. May tensyon ding hatid ang aspeto ng pakikipagkomunikasyon. Habaan na lamang ang pasensya. Lucky number for today: 29. 

VIRGO (August 23-September 22) –  May hatid na pagkadismaya ang araw na ito. Nakakalunod ang pag-iisip sa marami mong responsibilidad sa buhay. Posible ring makabangga ang isang taong masyadong makitid ang pag-iisip. ‘Wag na lamang siyang patulan. Lucky number for today: 26.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Isang kapamilya ang papapel na kontrabida sa araw na ito. Mas ma­raramdaman mong hindi ka na nauunawaan ng iyong mga kasamahan sa bahay. Dumistansya muna at unawain na kapakanan mo naman ang inaalala nila. Lucky number for today: 34.

SCORPIO (October 23-November 21) –  Isang taong nakakataas sa iyo ng posisyon ang masyadong manghihimasok sa iyo ngayon. May ilang negatibong pangyaya­ring maa­aring hindi maiwasan. ‘Wag mangamba dahil pansamantala lamang ito at maitatama mo rin sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 22. 

SAGITTARIUS (November 22- December 21) –  Posibleng maging sentro ng araw na ito ang isang sitwasyong pinansyal. Hindi ka komportable sa nangyayari pero walang ibang opsyon kundi maghintay ng susunod na oportunidad. Lucky number for today: 11. 

CAPRICORN (December 22-January 19) –  Isyung pampamilya ang magiging pokus ng araw na ito. May ipa­tutupad na restriksyon na hindi swak sa panlasa mo. Kailangan mo munang makiayon, pansamantala lamang ang lahat. Lucky number for today: 11. 

AQUARIUS (January 20-February 18) – Bigyan ng pansin ang isang maliit pa lamang na aberya bago ito lumaki at mawala sa iyong kontrol. May hatid na pag-aalala ang araw na ito at maraming bagay ang mangangailangan ng iyong atensyon. Lucky number for today: 56. 

PISCES (February 19-March 20) – Challenging ang araw na ito pagdating sa aspeto ng pananalapi. Sa gitna ng kagipitan, meron ka pa ring taong maaasahan. ‘Wag mangamba, mas magiging maaliwalas na ang susunod na araw. Lucky number for today: 49.