Una sa Balita

Horoscope 08/27/2018

0 146

ARIES (March 21-April 19) – Bibigyan ka ng mas malaking responsibilidad sa araw na ito. Maraming tao ang involved kaya kailangang maipakita ang pagiging tunay na lider. Maaaring mapanghamon ang araw na ito pero lahat ay kaya mong lagpasan. Lucky number for today: 29.

TAURUS (April 20-May 20) – May oportunidad ngayon para magkaroon ng koneksyon sa isang taong may mala­king maitutulong sa iyong career. Hindi rin nalalayo ang isang pagbibiyahe. Makiayon sa mga pangyayari at hindi ka mabibigo sa mga resulta. Lucky number for today: 28.

GEMINI (May 21-June 20) – Masyado mong pinapahirapan ang sarili mo sa bawat bagong res­ponsibilidad. Hindi masamang magrelaks. Kung naibuhos mo na ang effort mo, hintayin mo na lamang ang resulta. Walang maitutulong kung patuloy na ipe-pressure ang sarili. Lucky number for today: 57.

CANCER (June 21-July 22) – May ilan pang hamon sa iyong landas para tuluyang makamit ang isang goal na may kinalaman sa aspeto ng pananalapi. Pag-isipan nang husto ang mga gagawing hakbang. Hindi puwedeng daanin sa paspasan ang pagpaplano dahil malaki ang nakasalalay. Lucky number for today: 52.

LEO (July 23-August 22) – Ang inaakala mong pakikipagbiruan sa isang partikular na indibidwal ay sineseryoso ng kabilang panig. Posibleng makasakit ka ng damdamin kung patuloy siyang napapalapit pero ang lahat ay biro lamang para sa iyo. Umpisahan nang dumistansya kung wala ka namang maipapa­ngako. Lucky number for today: 17.

VIRGO (August 23-September 22) – May oportunidad ngayon para mapalawak ang iyong horizon. May pagkakataon ding mabubuksan para sa malayong pagbibiyahe. Sa pamamagitan nito, maaari mo nang tuluyang iwanan ang isang nakaraan. Lucky number for today: 51.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Isang sitwasyon sa pamilya ang hindi na puwedeng iwasan. May kinalaman ito sa isang nakakatandang kapamilya. May mala­king maitutulong ang payo ng isang kaibigan na nagdaan na rin sa parehong sitwasyon. Lucky number for today: 19.

SCORPIO (October 23-November 21) – ‘Wag nang kaawaan ang isang taong patuloy na nagpapaawa. Kailangan mong makita na masyado ka nang nagagamit. Hindi nakakatulong ang ­patuloy mong pagtulong sa halip tinuturuan mo lamang siyang maging patuloy na pabigat sa buhay mo. Lucky number for today: 7.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Isang kaibigan ang kinukumbinsi kang sumunod sa kanyang yapak. Pero dapat mong tiyakin sa sarili mo kung ito nga ang totoo mong gusto o nagpapaimpluwensya ka lamang sa kanya. Sarili mo pa ring kagustuhan ang dapat masunod. Lucky number for today: 25.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Anumang gustuhin mo ay magagawa ngayon kung matindi ang iyong determinasyon. Ang isang proyektong hindi dating umubra ay puwedeng subukang muli. Ang isang katunggali ay kayang talunin. Lucky number for today: 22.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Masyado mong inilalagay sa mataas na pedestal ang isang tao sa iyong harapan. Imulat ang mga mata dahil marami siyang kamalian na hindi mo dapat kilalanin. Lucky number for today: 45.

PISCES (February 19-March 20) – Ang nararamdamang pisikal na atraksyon ay hanggang doon lamang. ‘Wag itong ituring na totoong pagmamahal. Makabubuting umiwas na bago ito magbunga ng isang pagkakamali. Lucky number for today: 9.