Una sa Balita

Horoscope 08/26/2018

0 147

ARIES (March 21-April 19) – Maaaring marami kang nakikitang negatibo sa iyong lovelife pero ang tunay na nagmamahal ay mas nakapokus sa mga positibo na siya mong minahal sa iyong partner. Kung nananatili ito, hindi masamang patuloy na ipag­laban ang relasyon. Lucky number for today: 33.

TAURUS (April 20-May 20) – May kailangan kang sabihin sa iyong partner. Mas malamang ang kanyang magiging pagkontra pero hindi na ito puwedeng isikreto pa. Anuman ang mangyari, mas mabuting malantad na ito para maumpisahan ang pag-move on. Lucky number for today: 56.

GEMINI (May 21-June 20) – Ngayon ang hinihintay mong oportunidad para kausapin ang isang taong may malaking maitutulong sa iyo. Hindi madali ang kailangan mong hilingin pero walang ibang opsyon kundi ang magsalita. Lucky number for today: 49.

CANCER (June 21-July 22) – Ito na ang oportunidad na hinihintay mo para sabihin ang totoo sa ilang kinauukulang indibidwal. Mas mauuna­waan ka nila kung maiiwasan mong maging emosyunal sa pakiki­pagharap. May pagkakataon din para itama ang mga naging aberya. Lucky number for today: 17.

LEO (July 23-August 22) – Nasa komunikasyon ang pokus ng araw na ito pagdating sa iyong lovelife. May kaila­ngan ding gawin na medyo mabigat sa iyong kalooban. May pagpapatawad na kailangang pagdaanan. Lucky number for today: 10.

Related Posts

VIRGO (August 23-September 22) – Handang makinig ang iyong mahal. Ang pagsisimula lamang ang laging mahirap. Dagdagan pa ang lakas ng loob, ang lahat ay iyong makaka­yanan. Lucky number for today: 6.

LIBRA (September 23-October 22) – Hindi na puwedeng magsawalang-kibo o manahimik tungkol sa isang sensitibong isyu. Hindi na kakayanin ang pagkukunwaring masaya sa sitwasyon. Sabihin ang nararapat at makikita mong may puwang ang pagtanggap. Lucky number for today: 37.

SCORPIO (October 23-November 21) – Hindi puwedeng ikaw ang laging may hawak ng kontrol sa isang relasyon. Alalahaning dalawa ka­yong bumubuo sa relasyon. May pagkakataong kailangang ikaw naman ang maging tagasunod. Lucky number for today: 9.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May isang pagde­desisyon na maghahatid sa iyo sa bagong direksyon. May second chance na ibibigay sa iyo at hindi na ito dapat palagpasin. Lucky number for today: 20.
CAPRICORN (December 22-January 19) – Malaki ang improvement na mangyayari kung sasabihin mo lamang ang lahat sa iyong partner. Maaaring hinihintay lamang ng mahal mo na magsalita ka at game siya na makiayon. Lucky number for today: 5.

AQUARIUS (January 20-February 18) – May balita mula sa ilang kaibigang nasa malayo. Magagamit mo ang impormasyon para maging inspirasyon sa mga susunod mong hakbang. Ganap na ring malilinawan ang isang dating nakakagulo sa isip. Lucky number for today: 51.

PISCES (February 19-March 20) – Isang dating kaibigan ang muling papasok sa iyong buhay. May hatid itong inspirasyon at posibleng mabuo ang isang magandang pagtitinginan. Siguraduhin lamang na wala kayong ibang ­tatapakan. Lucky number for today: 16.