Una sa Balita

Horoscope 08/26/19

0 320

ARIES (March 21-April 19) – Kumbaga sa cellphone, kailangan mong mag-recharge. Ihanda ang sari­li sa mga exciting na pangyayari. Mas maraming energy, mas magi­ging produktibo ang araw mo. Lucky number for today: 10

TAURUS (April 20-May 20) – Magandang pagkakataon ang dulot ng araw na ito sa romansa. May imbitasyon na mahihirapan kang tanggihan. Isang tao na pareho mo ng interes ang magiging mas attractive sa iyong paningin. Lucky number for today: 1

GEMINI (May 21-June 20) – Kung hindi mo pa natatagpuan ang iyong Mr. or Miss Right, magandang pagkakataon ang hatid ng araw na ito. Bagama’t may kaabalahan sa aspeto ng iyong career, may panahon naman sa hapon hanggang gabi para gawing mas makulay ang iyong lovelife. Lucky number for today: 39

CANCER (June 21-July 22) – Ito ang araw para harapin ang mga trabaho matagal na ring nakatambay sa iyong harapan. Tapusin ang mga gawaing matagal mo nang pinag-iisipan pero hindi maaksyunan. Ang hapon hanggang gabi ay ibigay naman sa iyong partner. Lucky number for today: 35

LEO (July 23-August 22) – Sa sobrang kaabalahan sa trabaho at career, nakakaligtaan mo na ang pangangailangan ng iyong partner sa buhay. Iparamdam sa kanya na may puwang siya sa iyong buhay. Lucky number for today: 38

VIRGO (August 23-September 22) – Mas malakas ngayon ang loob mo na ikonsidera ang ilang pagbabago. Ilang kaibigan ang makakaimpluwensiya sa iyo na subukan ang mga bagong adventures. Lucky number for today: 44

LIBRA (September 23-October 22) – Isang bagong admirer ang magpapakita ng determinasyon. Iwasan lamang na agad mahulog ang iyong loob, kailangan pa ring kilalanin siyang mabuti. May pagbabago sa iyong mga plano. Lucky number for today: 7
SCORPIO (October 23-November 21) – Mas malakas ang hatak ng romansa ngayong araw na ito. Subalit tukso naman ang hatid kung ikaw ay nasa isang seryosong commitment na. Lucky number for today: 11

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Mas demanding ka ngayon pero nakakaunawa at laging nakasuporta ang iyong partner. Iwasan lamang na madamay ang mahal mo sa init ng ulo na puwedeng ihatid ng mga komplikasyon sa trabaho. Lucky number for today: 9

CAPRICORN (December 22-January 19) – Maging matalino sa pagpili ng mga taong sasamahan at aktibidad na sasalihan. May ilang indibidwal na masyadong umaabuso sa iyong kabaitan. Hindi ka dapat maging sunud-sunuran. Lucky number for today: 17

AQUARIUS (January 20-February 18) – Mahirap kang tanggihan ngayon kaya samantalahin ang pagkakataon para maisulong ang mga personal mong interes. Maging handang lumabas sa iyong comfort zone. Lucky number for today: 10

PISCES (February 19-March 20) – Hindi masamang pagsabayin­ ang business at pleasure paminsan-minsan. Maraming namamagnet sa iyong personalidad kaya mataas ang potensyal sa araw na ito para sa mga naghahanap ng mamahalin. Lucky number for today: 3

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy