Una sa Balita

Horoscope 08/25/2018

By
0 133

ARIES (March 21-April 19) – May oportunidad sa araw na ito na makakatulong para sa matagal mo nang pinapangarap sa buhay. Walang rason para katakutan ito. Alalahaning minsan lamang kumatok ang oportunidad kaya ‘wag nang magdalawang-isip pa. Lucky number for today: 41

TAURUS (April 20-May 20) – Sa araw na ito, mas mahirap pasayahin ang iyong partner at kahit anong gawin mo ay tila negatibo ang pagtingin niya. Sa halip na pahirapan ang sarili, magpakatotoo ka na lamang sa nararamdaman mo. Dagdagan pa ang pang-unawa at pasensiya. Lucky number for today: 6

GEMINI (May 21-June 20) – Mahirap itago ang nararamdaman lalo na kung ang inspirasyon ay sa puso mismo nagmumula. Importanteng maging totoo ka sa nararamdaman mo kahit anuman ang sabihin ng iba. Lucky number for today: 43

CANCER (June 21-July 22) – Hindi lahat makaka-appreciate sa mga plano mo lalo na kung big­laan lamang ito. Sa araw na ito, makabubuting makiayon sa desisyon ng nakararami kaysa igiit ang sarili mong kagustuhan. Lucky number for today: 8

LEO (July 23-August 22) – Ang araw na ito ay pumapabor sa iyo at sa mga plano mo. ‘Wag matakot tumayong lider dahil mas marami ang nakaka-appreciate sa iyo ngayon. Lucky number for today: 51

VIRGO (August 23- September 22) – Mag-ingat na ang attitude na inaayawan mo sa ibang tao ay nagagawa mo na pala. Bawas-bawasan ang pagiging seryoso para mas gumaaan din ang pagtingin sa iyo ng mga tao sa paligid mo. Lucky number for today: 19

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – ‘Wag payagan ang ibang tao na diktahan ka sa bawat ginagawa mo. ‘Wag matakot ipaglaban ang mga opinyon mo lalo na kung kumbinsido kang nasa tamang direksiyon ka. Lucky number for today: 9

SCORPIO (October 23- November 21) – Mas mahirap para sa iyo ngayon ang gumawa ng anumang desisyon pero hindi naman ito imposible. Kung pakiramdam mo ay marami ang hindi nakakatanggap sa iyo, meron pa ring nananati­ling solid sa kanilang suporta. Sa kanila ka muna humugot ng lakas. Lucky number for today: 57

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Ang pinakapraktikal mong ideya ang makakakuha ng pinakamaraming puntos at suporta. Maging mas realistic at dumistansya muna sa mga maituturing na ilusyon. Itodo na ang effort at magbubunga ito ng maraming benepisyo para sa iyo. Lucky number for today: 31

CAPRICORN (December 22-January 19) – Maaari kang malagay sa posisyon kung saan inaasahan kang magbitaw ng mabigat na desisyon kahit hindi ka kompor­tableng gawin ito. Magtiwala sa nararamdaman at hindi ka malilihis ng direksyon. Lucky number for today: 21

AQUARIUS (January 20-February 18) – May bigat na hatid ang araw na ito at hindi mo maiwasang maging mas emosyunal. Kung may mga aberya man na hindi na talaga maiwasan, indikasyon lamang ito na may kailangan kang baguhin sa proseso. Sumayaw ka muna sa tugtog at lilipas din ito. Lucky number for today: 41

PISCES (February 19-March 20) – Isang tao ang masyadong nagiging negatibo para sa iyo. Kung hindi kayang dumistansya sa taong ito, iwasan na lamang maging emosyunal para maiwasan ang mas ma­tinding tensyion. Lucky number for today: 36