Una sa Balita

Horoscope 08/25/19

0 333

ARIES (March 21-April 19) – Kahit sa gitna ng iyong pagrerelaks, kaila­ngan mo pa ring harapin ang isang isyung may kinalaman sa trabaho. Kailangan mong magmatigas sa anumang mapagdesisyunan dahil hindi ito mareresolba kung paiba-iba ka ng isip. Lucky number for today: 20

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi ka dapat makuntento sa pagiging follower dahil kaya mong maging lider. Sa loob ng araw na ito hanggang bukas, kaya mong mapabilib ang mga taong dati ay nagdududa sa iyong kakayahan. Lucky number for today: 10

GEMINI (May 21-June 20) – Hindi mo kaila­ngang umaktong laging matapang at malakas. May araw na kailangan mo ring ipakita ang iyong kahinaan subalit ito naman ay sa harap lamang ng iyong partner na siyang makakaagapay sa iyo. Lucky number for today: 30

CANCER (June 21-July 22) – Sa araw na ito, puwede mong pagsabayin ang pagrerelaks at pagtatrabaho at marami ka pang matatapos. Mataas ang iyong energy level ngayon at mas matalas ang iyong kaisipan. Mas madali ring magtrabaho kung may inspirasyong nakikita. Lucky number for today: 17

LEO (July 23-August 22) – Kung makabangga mo ngayon ng posisyon ang isang taong mas may authority kaysa sa iyo, makabubuting agad kang kumalma at kung kakayanin ay piliing umatras. Anumang pakikipagdebate ang gawin mo, malabo kang manalo. Lucky number for today: 46

VIRGO (August 23- September 22) – Mahirap ibaba ang iyong inaambisyon. Kailangan mo lamang na doblehin ang pagpupursige kahit maraming tao ang hindi kumbinsidong makaka­yanan mo ang lahat ng hamon. Lucky number for today: 55

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Mas­yado kang apektado sa problemang kinakaharap ng isang kaibigan. Pero mas makabubuting ha­yaan mo siyang resolbahin ito gamit ang sarili niyang diskarte. Hindi mo siya kayang tulungan sa lahat ng pagkakataon. Lucky number for today: 31

SCORPIO (October 23-November 21) – Hindi nangangahulugang failure ka kung meron kang ayaw gawin na ka­yang-kaya namang gawin ng mga kaibigan mo. Magkakaiba lamang talaga kayo ng kakayahan at kagustuhan. Lucky number for today: 19

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Mas madaling maaabot ang iyong mga target sa buhay kung makikipagtulungan ka sa mga taong kapareho mo ng interes at intensyon. Magagamit mo ang kanilang kaalaman na magiging epektibong kombinasyon sa iyong abilidad. Lucky number for today: 39

CAPRICORN (December 22-January 19) – Maraming aktibidad ang naghihintay sa iyo. Habang napakaraming kaabalahan, tila naman lalong lumulutang ang iyong galing. Nagiging bitamina mo ang mga hamon sa iyong harapan. Lucky number for today: 4

AQUARIUS (January 20-February 18) – Isang isyung may kinalaman sa pera ang makakagulo sa iyong isip. Kailangan nang magkontrol sa paggastos. Kontrolin mo rin muna ang mga taong walang ginawa kundi manghingi sa iyo. Lucky number for today: 54

PISCES (February 19-March 20) – Magi­ging pokus ng araw na ito ang mga partnership at kabilang dito ang iyong lovelife. Ngayon ang tamang pagkakataon para plantsahin ang anumang mga hindi pagkakaunawaan. Lucky number for today: 58

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy