Una sa Balita

Horoscope 08/24/19

0 217

ARIES (March 21-April 19) – Tumanaw ng utang na loob sa mga taong tumulong at nagtulak sa iyo sa tamang direksiyon. Ang maging inspirasyon sa isa o dalawang tao sa iyong buhay na nangangaila­ngan ng paghihikayat ang pinakamainam na gawin. Lucky number for today: 10

TAURUS (April 20-May 20) – Huwag ipagsawalang bahala ang mga maliliit na detalye. Tiya­king maigi na nasa ayos ang mga plano at linawin ito sa mga taong kinauukulan upang maiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Lucky number for today: 16

GEMINI (May 21-June 20) – Maaaring masyadong mataas sa ngayon ang mga tinatarget mo sa iyong career. Bigyan mo pa rin ng oras at pansin ang iyong mga kaibigan at pamilya. Ang tamang balanse ng mga bagay-bagay ang susi sa masayang buhay. Lucky number for today: 14

CANCER (June 21-July 22) – Makihalu­bilo sa mga taong tumutulong sa iyo na maging positibo sa buhay. Huwag matakot na ibahagi ang iyong sarili at magtiwala. Maging handa sa mga malalaking bagay na darating na manga­ngailangan ng iyong oras at atensiyon. Lucky number for today: 12

LEO (July 23-August 22) – Buo ang iyong loob kung ano ang gusto mong marating sa hinaharap ngunit kailangan mo munang maghintay bago ito masimulan. Huwag pairalin ang pagiging mainitin ng ulo sa maliliit na isyu lamang. Magtiwala sa iyong instinct tulad ng lagi mong ginagawa. Lucky number for today: 21

VIRGO (August 23- September 22) – Ngayong araw na ito, asahang babagal ang mga pangyayari sa iyong buhay. Huwag mag-alala dahil ito ay pansamantala lamang para ikaw ay makapagrelaks at mag-enjoy kasama ng iyong mga kaibigan. Lucky number for today: 13

LIBRA (September 23- October 22) – Habang masyado kang busy sa pagkontrol ng mga gusto mo sa buhay, maaaring nawawalan ka na ng pansin sa mga mahahalagang tao sa iyong paligid. May kailangan kang isakripis­yo. Lucky number for today: 20
SCORPIO (October 23-November 21) – May isang tao na nag-iisip sa iyo ngayon, wakasan na ang misteryo para sa kanya. Meron kang magagawa para pasayahin ang kanyang araw. Lucky number for today: 11

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Ang paglingon sa nakaraan ay makakatulong upang malaman kung saan ka pupunta. Mapagtutuunan mo ng pansin ang mga nagbago sa iyong sarili sa nagdaang panahon. Lucky number for today: 9

CAPRICORN (December 22-January 19) – Magiging malinaw sa lahat ang iyong malasakit sa kapwa dahil sa pagtatanggol mo sa isang kasamahan. Mapapatunayan mo na may maganda kang kalooban at maraming mas bibilib sa iyo. Lucky number for today: 17

AQUARIUS (January 20-February 18) – Isang kaibigan ang maaring na­ngangailangan ng iyong suporta at pagkalinga. Maging handa sa pakikinig kung kinakailangan. Lucky number for today: 32

PISCES (February 19-March 20) – Mas matalas ang iyong isip ngayon araw na ito. Ihanda ang iyong sarili sa mga darating na pagsubok iyong buhay. Makakamit ang tagumpay na iyong pinakahihintay. Lucky number for today: 3

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy