Una sa Balita

Horoscope 08/23/2018

0 143

ARIES (March 21-April 19) – Posib­leng makabangga mo ngayon ang tao na maaaring may kinalaman sa trabaho at posible rin namang ang iyong partner sa buhay. Maaaring mag-ugat ang isyu kung sino ang mas ‘boss’ sa inyong dalawa. Lucky number for today: 17.

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi masamang ikaw na ang mangu­na sa isang mabigat na pagdedesisyon. Maraming tao ang naniniwala sa iyo kaya kung walang magkukusa, ikaw na ang mauna. Lucky number for today: 10.

GEMINI (May 21-June 20) – Hindi masamang ipaalala sa mga tao sa paligid mo ang bigat ng iyong dinada­lang responsibilidad. Sa ganito ay mauunawaan nila ang mga pinagdaraanan mong tensyon. Meron ding dalawang puwersang nag-aagawan sa iyong suporta. Iwasang maipit sa sitwasyon. Lucky number for today: 21.

Abante Hiring – IT dep

CANCER (June 21-July 22) – Tama lamang na hindi ka muna magtiwala sa bawat sinasabi sa iyo. Isang tao sa paligid mo ang kailangang mas higit mong pag-ingatan. Nagiging malinaw na kung nasaan ang kanyang tunay na interes. Lucky number for today: 25.

LEO (July 23-August 22) – Isang katotohanan na masyadong nalalantad ang nagiging mahirap tanggapin. Sa halip na labanan, paborableng tanggapin na lamang ito dahil mas malaki ang idudulot nitong benepisyo para sa iyo. Maging mas realistic para malabanan ang takot. Lucky number for today: 14.

VIRGO (August 23-September 22) – Ito na ang pagkakataon mo para makaabante nang husto. Sapat ang iyong emotional confidence para lagpasan anumang hamon sa iyong daan. Tuloy-tuloy lang at ‘wag paapek­to sa anumang distraksyon. Lucky number for today: 46.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Sa pagkakataong ito, walang kailangang ipagmadali. Sundin ang proseso kung saan ka mas komportable. Puwede ring magrelaks kasama ng mga kaibigan at mahal sa buhay. Lucky number for today: 24.

SCORPIO (October 23-November 21) – Hindi mo kailangang magbago para lamang pasayahin ang isang tao. Kung alam mong walang masama sa ginagawa mo, hindi mo kaila­ngang sumang-ayon ang ­lahat. Hayaan mo silang kilalalanin at tanggapin ang iyong individua­lity. Lucky number for today: 18.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Patunayan na isa kang matatag na lider. Marami ang nagmamasid sa bawat desisyon. Sa pagkakataong ito, ‘wag mong haya­ang maungusan ka ng iba. Lucky number for today: 27.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung natambak na ang ilang trabaho, ngayon ang araw para tapusin lahat ito.
Hindi puwedeng tutulog-tulog. Maraming oportunidad ang maaaring makalagpas. Lucky number for today: 12.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Ikaw ang nagsisilbing inspirasyon sa mas maraming tao. Ngumiti at ituloy lamang ang ginagawa kahit medyo mabigat ang iyong kalooban. Ang lahat ng negatibo ay lilipas din. Lucky number for today: 36.

PISCES (February 19-March 20) – Ha­yaan mong ang ibang tao naman ang magsilbi sa iyo. Marami ka nang nagawa para sa kanila. Isang bigat na dati mong pinapasan ang magiging mas magaan na. Lucky number for today: 23.