Una sa Balita

Horoscope 08/23/19

0 337

Happy birthday
KOBE BRYANT

ARIES (March 21-April 19) – Umiwas sa anumang distraksyon. Hindi ito ang oras para ­makipaglaro. ­Kailangan mo munang magpokus sa trabahong nasa harap mo dahil dito ­nakasalalay ang isang matagal nang ­pinapangarap. Lucky number for today: 17

TAURUS (April 20-May 20) – Sa araw na ito, mas masusunod sa iyo ang ­gusto mong gawin at ­hindi ang kailangan mong gawin. Masyado ka nang ­naging ­seryoso sa mga ­nagdaang araw kaya kailangan mo munang mag-unwind. Lucky number for today: 50

GEMINI (May 21-June20) – Masyado mong sineseryoso bawat isyu. ­Nakakaramdam ka rin ng pagkairita sa ilang ­indibidwal sa iyong ­paligid. Hindi masamang ­magsabi ng iyong opinyon pero ­iwasang masyadong ­maging matalas ang dila. Lucky number for today: 23

CANCER (June 21-July 22) – Madali lamang sa iyo ngayon ang ­magbigay ng mensahe. Alam mo kung ano ang sasabihin mo at kung paano ito sabihin nang hindi ­masasaktan ang taong kaharap. ­Diplomasya ang kailangan. Lucky number­ for today: 7

LEO (July 23-August 22) – Sa araw na ito ay kalusugan ang dapat mong pagtuunan ng ­pansin. Wag ­balewalain ang ­nararamdaman. Makakapaghintay ang trabaho. Lucky number for today: 19

VIRGO (August 23- September 22) – Nag-uum­pisa nang ­pumabor sa iyo ang kapalaran. ­Paparating na rin ang mga ­hinihintay mong resulta at ito’y ­magpapasaya sa iyo. Itodo­ pa ang effort para matiyak­ ang tagumpay. Lucky ­number for today: 57

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Kailangan mong mag-recharge ­hindi lamang sa pisikal, ­mental kundi maging ­emosyunal. Mas magiging maaliwalas ang mga susunod na araw kung makakapagrelaks. Lucky number for today: 37

SCORPIO (October 23- November 21) – ­Mare-realize mo na ang tinatarget­ mong goals sa ­buhay ay tumutugon sa interes­ ng isang bagong ­kaibigan. Ang parehong ­interes ang magdadala para lalo pa ­kayong mapalapit sa isa’t isa. Lucky number for today: 33

SAGITTARIUS (November 22- ­December 21) – Nalalapit na ang ­tagumpay. Ang mga ­hinihintay mo at ­inaasam na pangyayari ay ­magaganap na. Makikita mo ring ikaw ang ­magiging sentro ng atensyon ng karamihan. Lucky number for today: 46

CAPRICORN ­(December 22-January 19) – May pagkakataong hindi­ mo makuha ang gusto­ mo ­dahil masyadong mataas­ ang ­expectation mo. Hindi­ masamang­ ibaba­ ito nang bahagya para hindi­ ka ­laging madismaya sa resulta­. Lucky number for today: 37

AQUARIUS (January 20-February 18) – Wag munang sumugod nang hindi mo pa alam ang bawat detalye at ­impormasyong ­kailangan. ­Pansamantala ay puwede ka munang umatras para kumpletuhin ang ­paghahanda. Lucky number for today: 19

PISCES ­(February 19-March 20) – ­Marami ang ­natutuwa sa ­ipinapakita mong ­pagbabago. Tila magneto­ ­ngayon ang iyong ­karisma at ­maraming ­gustong ­makasama ka. ­Ipagpatuloy ang ­magandang nasimulan. Lucky number for today: 4

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy