Una sa Balita

Horoscope 08/22/2019

0 332

ARIES (March 21-April 19) – Gawin na ang mga gawaing matagal mo nang ipinagpaliban. Magiging mas ­abala ka sa mga ­darating na araw sa mga mas importanteng trabaho­ at posibleng ­tuluyang mo nang maisantabi anumang naumpisahan­ na hindi mo natapos. Lucky number for today: 14

TAURUS (April 20-May 20) – Kung may kailangan kang sabihin na maituturing na sensitibong isyu, ngayon ito gawin. Mas ­makakaunawa ang mga kaibigan at kapamilya kung mas magiging­ honest ka. Lucky number for today: 21

GEMINI (May 21-June20) – Sipating mabuti bawat detalye, kahit ang kaliit-liitang isyu pagdating sa mga usaping may kinalaman sa ­negosyo at pananalapi. Maging alerto. Mahirap basta­-basta magtiwala. Lucky number for today: 6

CANCER (June 21-July 22) – Sa ­gitna ng ­kaabalahan sa iba’t ibang gawain, mas nahihirapan­ kang mag-isip. Sikaping mabigyang­ pahinga­ ang isip at katawan. Makakatulong ang pagrerelaks sa pamamagitan ng pagpunta sa mga lugar na bago sa iyong paningin. Lucky number for today: 53

LEO (July 23-August 22) – May ­bahagyang krisis na hatid ang araw na ito. Pero maipapakita­ mo ang pagiging kalmado kaya naman­ makukuha­ mo pang lalo ang tiwala ng mga taong­ ­nakakataas sa iyo ng posisyon. Lucky number­ for today: 41

VIRGO (August 23- September 22) – Isang bagong kakilala ang magiging ­inspira­siyon mo pagdating sa iyong career. ­Maraming makukuhang­ impormasyon at leksyon sa kanyang­ mga nagging karanasan sa buhay. Magiging­ daan siya para madaling makamit ang tagumpay. Lucky number for today: 15

LIBRA (September 23- October 22) – ­Kalma lang at wag magpanik. Anumang aberya­ ang kinakaharap ay kaya mong lusutan kung magpopokus ka. Iwasang maging emosyunal­ para mas makapag-isip. Lucky number for today­: 1

SCORPIO (October 23- November 21) – Panindigan ang iyong paniniwala. Hindi mo kailangang maging sunud-sunuran sa iba kahit pa sa partner mo. May karapatan kang sabihin ang iyong opinion kahit hindi mo makuha ang pag-sang-ayon ng lahat. Lucky number for today: 5

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Kahit gaano kaingat ang iyong mga ­plano, hindi maiiwasan ang ilang aberya.­ Wag mangamba­ kung hindi umubra ang Plan A, ­meron ka naming Plan B kaya hindi ka maaantala­. Lucky number for today: 50

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung may gusto kang baguhin sa buhay mo, ngayon ang tamang pagkakataon para gawin ito. Madali mong magagawa ang lahat kung may pinaghuhugutan kang inspirasyon. Lucky number­ for today: 42

AQUARIUS (January 20-February 18) – ‘Wag sayangin ang oras sa mga bagay na hindi naman importante at maituturing na petty issues lamang. Lumayo rin muna sa mga distraksyon. Meron kang malaking planong dapat pagtuunan ng pansin. Lucky number for today: 35

PISCES (February 19-March 20) – ­Hindi masamang mangarap pero masamang magpantasya sa tao o maaring sa bagay na alam mo namang­ imposible mong makuha. ­Makabubuting tanggapin na hindi siya o hindi ito para sa iyo at mag-move on na. Lucky number for today: 7

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy