Una sa Balita

Horoscope 08/21/19

0 356

ARIES (March 21-April 19) – Wala ka mang makitang agad-agad na resulta ng isang naumpisahan, dagdagan pa ang tiyaga at paghihintay. Darating din ito kaya tuloy-tuloy lang at ‘wag munang bibitiw. Lucky number for today: 12

TAURUS (April 20-May 20) – Iwasang masangkot sa anumang argumento o madramang sitwasyon nga­yong araw na ito. Makabubuti ring huwag magpakita ng pagkampi sa kahit na kanino. Mas paborableng maging observer muna. Lucky number for today: 51

GEMINI (May 21-June 20) – Iwasang agad magtiwala sa mga taong hindi mo pa ganap na kilala. Posibleng ang ipinapakita sa iyong kabutihan ay paraan lamang para mapaamo ka. Lucky number for today: 6

CANCER (June 21-July 22) – ‘Wag nang ikabigla kung ang isang bagay na sobrang nagdudulot ng excitement sa buhay mo ay tila balewala lang sa iba kahit pa sa partner mo. Dara­ting din ang oras na mauunawaan ka nila. Lucky number for today: 20

LEO (July 23-August 22) – Maigsi lang ang pa­sensya mo ngayong araw na ito kaya mag-ingat at tingnan munang mabuti kung sino ang puwede mong banggain. Problema ang idudulot kung ang taong kakaharapin mo ay may kakaya­hang resbakan ka sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 32

VIRGO (August 23-September 22) – Isang taong laging sumusuporta sa iyo ang magpapakita ng pagkampi sa kabilang kampo. Unawain at irespeto ang kanyang posisyon. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magkapareho kayo. Lucky number for today: 46

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Sa dami ng gusto mong gawin, mahihirapan kang magpokus sa isang bagay lamang. Kalma muna at pansamantalang ipikit ang mata sa mga distraksyon. May kailangan kang tapusin. Lucky number for today: 2

SCORPIO (October 23- November 21) – Isang pangyayari ang susubok sa haba ng iyong pasensya. Kung ayaw mong makita ng lahat ang iyong ‘dark side’, kalma lang at maagang dumistansya sa tensyon. Lucky number for today: 19

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Masyado mong nabibigyan ng ibang kulay ang atensyon na ibinibigay sa iyo ng isang partikular na indibidwal. Bago tuluyang mahulog ang iyong loob, alamin mo muna kung pareho kayo ng interes. Lucky number for today: 37

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kaila­ngan mong humanap ng paraan para ilabas ang iyong tensyon nang hindi ito ibinubunton sa iyong mga mahal sa buhay. Alalahaning andiyan sila para alalayan ka kaya ‘wag silang ituring na kalaban. Lucky number for today: 10

AQUARIUS (January 20-February 18) – Maliit na bagay lamang at para sa iba ay maliit na isyu pero ito ang mapagdidiskitahan mo ngayong araw na ito. Iniisip ng iba na hindi makatarungan ang iyong reaksyon pero kailangan mong ipaunawa na sa maliliit na bagay nag-uumpisa ang malala­king aberya. Lucky number for today: 53

PISCES (February 19-March 20) – Maaa­ring may masabi ka o may magawa ka na gusto mong pagsisihan. Sa halip na magpaka-stress tungkol dito, patawarin na lamang ang iyong sarili at mag-move on. Matuto sa na­ging kamalian. Lucky number for today: 21

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy