Una sa Balita

Horoscope 08/20/2018

0 97

ARIES (March 21-April 19) – Kung may taong higit na makakatulong sa iyo ngayon, ito ay isa sa mga babaeng pinagkakatiwa­laan mo. Mas nauunawaan niya ang iyong sitwasyon kaya bigyan ng sapat na atensyon ang pakikinig sa kanyang payo. Lucky ­number for today: 16.

TAURUS (April 20-May 20) – Magpokus sa bigger picture at huwag sa mga maliliit na isyu lamang. Iwasan ding masangkot sa anumang intrigahan at tsismisan. Sa aspeto ng romansa, mas mauunawaan mo ngayon kung bakit hindi ka komportable sa harap ng isang partikular na indibiduwal. Lucky number for today: 29.

GEMINI (May 21-June 20) – Bigyang-pansin ang kalusugan at ‘wag balewalain ang hindi komportableng nararamdaman. Irelaks muna ang isip para mabawasan ang stress na dulot ng maraming responsibilidad. Lucky number for today: 33.

CANCER (June 21-July 22) – Pag-aralan kung mas marami na ang negatibong epekto ng isang personal na relasyon kaysa benepisyong dulot nito. Kung mas marami na ang sakit ng kalooban kaysa kasiyahan, kailangan ng heart-to-heart talk sa iyong partner. Lucky number for today: 58. 

LEO (July 23-August 22) – ‘Wag hayaang masayang ang mga ta­lent at kakayahan mo. Kung hindi ka naa-appreciate sa kasalukuyan mong kinalalagyan, kailangan mo nang ikonsidera ang paghahanap ng bagong lugar na magpapahalaga sa iyo. Lucky number for today: 27. 

VIRGO (August 23- September 22) – Sa araw na ito, kailangan mo ng challenge. May isang plano na kinakakitaan ng mga negatibong aspeto. Kailangan mong agapan ito upang hindi madismaya sa magiging resulta sa pangkalaha­tan. Lucky number for today: 49.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Pagdating sa iyong lovelife, may mahalaga at mabigat na desisyon na kailangang gawin. Kung ito ay mas malalim na commitment, kailangan mo ng payo ng mga taong ganap na pinagkakatiwalaan. Mahirap mapasubo kung hindi ka handa. Lucky number for today: 55.

SCORPIO (October 23-November 21) – Maaari kang malagay sa isang mahirap na sitwasyon ngayon. Kailangan mong umabante pero may maaapakan kang iba. Ikonsidera rin ang damdamin ng taong ito. Lucky number for today: 13.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Hindi maiiwasan ang pagbabago ng isip pagdating sa anumang kasunduan. Bago tuluyang umatras, kailangang maipaliwanag nang husto ang iyong rason kung bakit kailangan mo itong gawin. Lucky number for today: 41. 

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung sa mga nagdaang araw ay smooth-sailing ang ­lahat ng iyong mga plano, ngayong araw na ito ay tila may puwersang pumipigil sa iyong mga kilos. Pakinggan ang mga paalala kung bakit kailangan mo munang maghinay-hinay. Lucky number for today: 56.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Isang indibidwal ang masyadong nagiging bossy at hindi ka na komportable sa nangyayari. Hindi masamang kausapin ang taong ito at makipag­linawan. Hindi makakatulong kung patuloy na mananahimik. Lucky number for ­today: 39.

PISCES (February 19-March 20) – May matinding pressure sa magkabilang panig at may kinalaman ito sa trabaho. Iwasan lamang maipit sa tensyon. Manatiling kalmado at ipakitang wala kang kinikilingan. Lucky number for today: 10.