Una sa Balita

Horoscope 08/20/19

0 336

ARIES (March 21-April 19) – Magandang pagkakataon ang hatid ng araw na ito para sa mga naghaha­nap ng bagong romansa. Isang bagong kakilala ang agad magpaparamdam ng atraksyon. Ang mga committed na ay makabubuting maagang dumistansya. Lucky number­ for today: 5

TAURUS (April 20-May 20) – Isang matagal ng kaibigan o maaaring ang iyong partner ang magpakita ng kakaibang attitude. Posibleng nag-u­ugat ang lahat sa kanyang pinagdaraanan na hindi niya masabi sa iyo. Iparamdam ang iyong suporta at ipabatid sa kanya na andyan ka lamang kapag handa na siyang magsalita. Lucky number for today: 2

GEMINI (May 21-June20) – Kailangan mo ngayong makipag-socia­lize kung saan may posibilidad ang isang bagong romansa. May pagkaka­taong makapagpa-impress bago gumabi. Ngayon ang magandang pagkakataon para maiparating ang mga bago mong ideya. Lucky number for today: 4

CANCER (June 21-July 22) – Nasa iyo ang mga kalidad para ma­ging tagumpay. Ipokus mo lamang­ ang iyong atensyon sa iyong mga goals at hindi sa goals ng ibang tao para sa iyo. Kung ang puso mo ay nakikiayon sa iyong interes, walang imposible­. Lucky number for today: 41

LEO (July 23-August 22) – May kailangan kang tulungan ngayon. Ang maliit na bagay ay mala­king bagay para sa iba. Wag isara ang iyong pintuan sa mga kaibigang na­ngangailangan. Lucky number for today: 23

VIRGO (August 23- September 22) – May mga nakakalitong opsyon sa iyong harapan. Mahirap pumili ng isa kapag parehong malapit sa puso mo ang pagpipilian. ­Papaganda pa ang takbo ng iyong lovelife. Lucky number for today: 38

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Wag kang pumasok sa isang ­argumento at iwasang maging­ masyadong sensi­tibo. Hindi lahat ng komento ay tungkol sa iyo. Ipokus ang energy sa mga positibo. Lucky number for today: 12

SCORPIO (October 23- November 21) – Isang exciting na indibidwal ang magpapakulay sa araw na ito. Ingatan lamang­ na tuluyang mabaling­ sa kanya ang iyong atensyon. Merong mga prayo­ridad na kailangan mong tapusin. Lucky number for today: 32

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Kinakasihan ka ng kapalaran. Mas madali para sa iyo ngayon ang panalo lalo na sa mga tran­saksyong may kinalaman ang pera. Iwasan lamang ang literal na sugal. Lucky number for today: 9

CAPRICORN (December 22-January 19) – Bigyan ng panahon ang pagrerelaks. Makakatulong din ang pagse-share ng anumang gumugulo sa isip mo sa mga taong alam mong nagke-care sa iyo. Lucky number for today: 29

AQUARIUS (January 20-February 18) – Ang mga isyung pang-relasyon ay nangangailan ng sapat na oras. Gawing pribado ang mga nakakagulong isyu sa iyo lamang at sa iyong mahal. Hindi ito ang oras na sabihin ang mga pangyayari sa ibang kahit pa sa pamilya at kaibigan. Lucky number for today: 3

PISCES (February 19-March 20) – Importanteng maiparating mo ngayon ang iyong ­mensahe para sa isang partikular na indibidwal. Sa aspeto ng iyong lovelife, tila magnet ka para sa ibang tao kaya may potensyal ang araw naito para sa isang bagong romansa. Lucky number for today: 1

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy