Una sa Balita

Horoscope 08/19/19

0 252

ARIES (March 21-April 19) – Ang mga itinutulong mo sa ibang taong mas nanga­ngailangan ay dobleng ibinabalik sa iyo ng universe. Sa trabaho, sikaping mabigyan pa rin ng pahinga ang isip at katawan pag may pagkakataon. ‘Wag akuin ang lahat ng gawain. Lucky number for today: 38

TAURUS (April 20-May 20) – Mataas man ang iyong enerhiya, isang trabaho o proyekto ang hindi agad matatapos ngayon. Masyadong mataas ang iyong expectation at hindi ka si superman o wonder woman para magawa ang imposible. Lucky number for today: 40

GEMINI (May 21-June20) – Lahat ay gagawin mo para sa iyong pamilya at mahal sa buhay. Mataas ang energy level mo para sa kanila. Ngayong araw na ito, magiging second priority mo lamang ang ibang aspeto ng buhay. Lucky number for today: 52

CANCER (June 21-July 22) – Anumang naging­ isyu tungkol sa pananalapi ay magiging maayos. May panahon ka na at may perang magagamit para pag-ukulan ng pansin ang mga plano mo kasama ang iyong mga kaibigan at pamilya. Lucky number for today: 50

LEO (July 23-August 22) – Ang iyong atensyon ay masesentro sa isyung pampinansyal. Bawat pisong ginagastos ay mahalaga. Ang pagtitipid ay nag-uumpisa sa pamilya kaya ipaliwanag sa kanila ang iyong mga plano para sa hinaharap. Lucky number for today: 40

VIRGO (August 23-September 22) – Sa mga nagdaang araw, pakiramdam mo ay kaaway mo na ang buong mundo pero ngayon ay nag-uumpisa nang maging maaliwalas ang paligid. Magtiwala sa sarili dahil kakayanin mo ang lahat kahit mag-isa ka lamang. Lucky number for today: 17

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – May pagdududang maaaring maging sentro ng iyong isip. Pero sa mga susunod na araw, mapapatunayan mo rin na wala itong dahilan at wala ring sapat na basehan. Lucky number for today: 21

SCORPIO (October 23-November 21) – Umiwas sa mga petty issues at pati na sa mga petty people. Ang kanilang negatibong vibes ay maaaring makadiskaril sa iyong mga malalaking plano. Mag-stay ka lamang muna sa piling ng mga positibong tao na maaaring paghugutan mo ng inspirasyon. Lucky number for today: 31

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – ‘Wag mong sabay-sabayin lahat ng trabaho. Mas malamang na mag-ulit ka lamang kung ipipilit mong gawin ang isang bagay lalo na kung nasa ibang bagay ang isip mo. Piliin muna ang mga prayoridad. Lucky number for today: 49

CAPRICORN (December 22-January­ 19) – Kung may pagkakataon at may kakayahan ka para magbiyahe, gawin ito. Harapin ang mga kinakailangang plano at ‘wag makinig sa mga kumokontra sa paligid. Alalahaning ikaw lamang ang dapat may hawak sa kontrol ng buhay mo. Lucky number for today: 54

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kakailanganin mong ipaglaban ang iyong karapatan. Mahirap at maraming oposisyon pero magagawa mo itong lagpasan. Kapag nakuha na ang panalo, iwasan ding maging benggador. Lucky number for today: 45

PISCES (February 19-March 20) – Kailangan mo munang makipagkompromiso. Anumang pakikipagtalo para igiit ang gusto mo ay hindi magbibigay ng positibong resulta. Sa halip, bagong kaaway lamang ang puwede mong makuha. Lucky number for today: 21

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy