Una sa Balita

Horoscope 08/18/2018

0 83

ARIES (March 21-April 19) – May ilang isyu sa pamilya na kailangan ng iyong atensiyon. Isang kapamilya ang may hatid na sorpresa. Kung ikaw naman ay single pa at naghahanap ng magiging partner, may oportunidad ngayon para sa bagong romansa. Lucky number for today: 3

TAURUS (April 20-May 20) – Ang iyong matibay na paninindigan kung saan ipinaglalaban mo ang iyong pananaw ang hinahangaan sa iyo ng isang partikular na indibidwal. May commitment ka man o naghahanap pa lamang ng partner, may malalim na interes sa iyo ang taong ito. Lucky number for today: 22

GEMINI (May 21-June 20) – Mas makikilala mo ngayon kung sino ang totoo at kung sino ang hindi sincere. Dumistansya sa mga negatibong tao. Sa aspeto ng lovelife, ang pagkontra ay nagmumula sa labas ng relasyon at sa mga taong gustong manghimasok. Lucky number for today: 43

Abante Hiring – IT dep

CANCER (June 21-July 22) – Masyadong napopokus ang iyong atensyon sa ilang pagdududa. Mag-ingat dahil posibleng hindi mo na makita ang totoo kung laging negatibo ang pinagtutuunan mo. Lucky number for today: 45

LEO (July 23-August 22) – Kinatatakutan mo ang rejection at failure. Bagama’t natural ito, kaila­ngan din naman ang balanse. ‘Wag katakutan ang paggawa ng mga hindi pa nasusubukan kung hatid nito ang mas malaking benepisyo. May isyu rin pagdating sa isang responsibilidad kung saan may kahati ka. Lucky number for today: 27

VIRGO (August 23-September 22) – Isang romantikong sitwasyon ang puwedeng umusbong sa tulong ng ilang kaibigan. Kung single ka pa, hindi masamang makiayon sa mga nangyayari pero kung may commitment ka na, kailangan mong agad na ­dumistansya. Lucky number for today: 4

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Isang pagbabago ang kailangang tanggapin. Hindi ka pa komportable sa idinulot nito sa buhay mo pero sa katagalan ay mapapatunayang dumating ito sa tamang pagkakataon. Lucky number for today: 12

SCORPIO (October 23-November 21) – Mas­yado ka nang nakadepende sa isang tao. Kailangan mo munang dumistansya para mas masukat mo kung hanggang saan ang tunay mong kakayahan. Hindi masamang tumanggap ng tulong pero may pagkakataong dapat ka munang sumubok mag-isa. Lucky number for today: 15

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Maaring magkaroon ng isyu sa pinaniniwalaan mo kontra sa paniniwala ng iyong mahal. Maging kalmado sa pagpapaliwanag ng iyong panig. Mas mahirap umunawa kung nauuna ang bugso ng emosyon. Lucky number for today: 36

CAPRICORN (December 22-January 19) – Sa pagkakataong ito, magagamit mo na ang iyong plan B. Kailangan mo ring lumayo kahit pansamantala sa isang sitwasyong hindi na komportable para sa iyo. Time-out ka muna para mas makapag-isip ng susunod na hakbang. Lucky number for today: 43

AQUARIUS (January 20-February 18) – May mga limitasyon ngayon sa isang partikular na sitwasyon, pero kailangan mong makalagpas dito. Kunin ang tulong ng isang taong matagal nang pinagtitiwalaan. Ngayon mo higit na kailangan ang kanyang words of wisdom. Lucky number for today: 37

PISCES (February 19-March 20) – Wag ipagdamot ang iyong kaalaman. Hindi mo kakompetensya ang lahat ng tao sa iyong harapan. Mas madaling maa-accomplish ang anumang ginagawa kung nauunawaan ng lahat ang mga dapat gawin. Lucky number for today: 30