Una sa Balita

Horoscope 08/18/19

0 307

ARIES (March 21-April 19) – Gawing prayoridad ang iyong personal na buhay. Kailangan mo na ring sabihin kung ano ang iyong nararamdaman sa isang taong espesyal sa iyo. Ang gabi ay saktong-sakto lamang para maging makulay ang iyong lovelife. Lucky number for today: 23

TAURUS (April 20-May 20) – Nakakapagod kung puro trabaho kaya sa araw na ito, bigyan ng pagkakataon ang iyong sarili na magrelaks at makipagsaya kasama ang pamilya o mga kaibigan. Kung mas relaks ang isip, mas madali kang maka­kagawa ng mga desisyon. Lucky number for today: 42

GEMINI (May 21-June 20) – Nakakapagod ang araw na ito para sa iyo. Mapapatunayan mong kailangan mo rin ng exercise para may lakas ka sa pagharap sa mga mabibigat na aktibidad. ‘Wag ipagwalang-bahala ang kalusugan. Lucky number for today: 40

CANCER (June 21-July 22) – Mas mataas ang energy level mo nga­yong araw na ito kaya ‘wag magmukmok sa loob ng bahay. Gamitin ang araw na ito para makalabas at makapag-unwind kasama ang pamilya at mga kaibigan. Lucky number for today: 36

LEO (July 23-August 22) – Ngayon ang magandang pagkakataon para harapin ang ilang negatibong isyu at tuluyan itong mabigyan ng closure. Isang imbitasyon ang parating at mula ito sa isang taong nagpapakulay ng iyong mundo. Lucky number for today: 46

VIRGO (August 23- September 22) – Mas malakas ang iyong pakiramdam ngayon pero kailangan ding pag-ingatan na magduda nang walang anumang basehan. Ang hapon hanggang gabi ay dapat gamitin kasama ang iyong mahal sa buhay. Lucky number for today: 21

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Isang bagong aktibidad ang magbibigay sa iyo ng bagong karanasan. Sa una ay kailangan mong ma­ging maingat pero makakasanayan din agad ito at mae-enjoy mo ang mga susunod pang pangyayari. Lucky number for today: 28

SCORPIO (October 23-November 21) – Isama ang iyong partner sa mga plano mo. Kung patuloy siyang mai-itsapuwera ay maaaring pagmulan ito ng isang matin­ding tampuhan. Gamitin ang araw na ito para sa romantic bonding. Lucky number for today: 3

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May malaking isyung nagiging pokus ng iyong isip. Makakatulong kung idi-discuss mo ito sa isang taong pinagtitiwalaan. Kailangan mo ng kaalalay para maresolba ang lahat ng nagsisilbing palaisipan. Lucky number for today: 7

CAPRICORN (December 22-January 19) – Isang kaibigang matagal nang hindi nakikita ang muling makikipagkonek sa iyo. Bigyan siya ng atensyon kung ayaw mong tuluyang maghiwalay ang inyong landas. Lucky number for today: 30

AQUARIUS (January 20-February 18) – Pinapaboran sa araw na ito ang anumang romantikong adventure. Maging ang isyu sa pananalapi ay may mga positibong updates. Mag-enjoy lamang sa mga nangyayari dahil deserve mo naman ito. Lucky number for today: 6

PISCES (February 19-March 20) – Wala ka sa mood ngayon para sa anumang aktibidad at mas gusto mo lamang magmukmok sa bahay para mapag-isa. Pagbigyan ang nararamdaman, kailangan mo rin ng ekstrang pahinga para makapag-recharge. Lucky number for today: 31

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy