Una sa Balita

Horoscope 08/17/19

0 316

CELEBRITY BIRTHDAY TODAY:

ARIES (March 21-April 19) – Ang damdaming matagal mo nang kinimkim ay mabubuksan na ngayon. Wala ka nang dapat itago pa. Dumating na ang oras para sabihin ang iyong saloobin kahit may masaktan man. Lucky number for today: 25

TAURUS (April 20-May 20) – Masyado kang nagiging emosyunal ngayon at hahayaan ka lamang ng mga taong nakapaligid sa iyo. Maging ang mga maliliit na kritisismo ay hindi mo kayang palagpasin. Lucky number for today: 5

GEMINI (May 21-June20) – Kung wala ang puso mo sa inilalapit sa iyo ng ibang tao, kailangan mo itong sabihin. Magpakatotoo. Hindi puwedeng payagan mo ang lahat sa kanilang ginagawa kahit hindi ka na komportable. Lucky number for today: 17

CANCER (June 21-July 22) – Nakatulong ka na sa nakaraan at ngayon ay tila ipinapasa na naman sa iyo ang responsibilidad. Wag matakot magsabi nang hindi dahil magpapaulit-ulit lamang ang ganitong senaryo. Sa pagkakataong ito, kailangan mong magmatigas. Lucky number for today: 54

LEO (July 23-August 22) – Masyadong mataas ang excitement sa paligid at natutukso kang maki-join. Hindi masamang pagbigyan ang sarili na makapagsaya lalo ngayong weekend. Lucky number for today: 31

VIRGO (August 23- September 22) – May dahilan kung bakit ka nahihirapan. Alam mo kung paano ito resolbahin kaya wag nang matakot lumapit sa taong dapat mong kausapin. Lucky number for today: 16

LIBRA (September 23- October 22) – Isang taong malapit sa iyo ang masyadong nagiging emosyunal. Maliit na bagay ay nagiging malaki para sa kanya at hindi mo maiwasang maapektuhan. Makabubuting dumistansya kaysa tuluyan kang maipit sa kanyang problema. Lucky number for today: 1

SCORPIO (October 23- November 21) – Kailangan mong bilisan ang kilos kung nais mong magpa-impress ngayon. Ang taong ito ay may malaking maitutulong sa iyong career kaya wag sayangin ang pagkakataon. Lucky number for today: 22

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Mag-ingat at umiwas na maging emosyunal o sensitibo sa mga naririnig na kritisismo. Makabubuting palipasin muna ang bugso ng damdamin bago magsalita. Hindi mo gugustuhing lumala ang tension. Lucky number for today: 40

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung mag-e-effort ka na makiayon sa pananaw ng iba, malaking isyu ang kakaharapin mo sa mga susunod na araw. Kung ayaw mong mawala sa iyo ang control, igiit mo ang iyong tunay na opinion. Lucky number for today: 26

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kailangan mong manindigan. May karapatan ka sa iyong opinion kahit hindi ito kayang tanggapin agad ng taong kaharap mo. Wala kang obligasyon para pasayahin siya. Lucky number for today: 15

PISCES (February 19-March 20) – Mas mahirap para sa iyo ngayon ang kontrolin ang iyong emosyon. Hindi mo kailangang ipaliwanag sa lahat kung ano ang iyong nararamdaman. Sarilinin muna anumang nakakagulo sa iyo. Lucky number for today: 37

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy