Una sa Balita

Horoscope 08/16/19

0 289

ARIES (March 21-April 19) – Marami kang kayang gawin kahit mag-isa ka lamang pero mas marami ka namang magagawa kung makikipagtulungan ka sa mga kaibigan mo o kasama­han sa trabaho. Mas nananaig din sa iyo ngayon ang iyong creative at artistic side. Lucky number for today: 30

TAURUS (April 20-May 20) – Kung pakiramdam mo ay kulang ang kakayahan mo para sa isang gusto mong pasukin, dapat kang gumawa ng adjustment. Ihanda muna ang sarili, aralin ang mga dapat aralin upang maiwasang malagay ka sa kompromiso. Hindi mo dapat ipakita ang iyong kahinaan lalo na kung may kinalaman sa iyong career. Lucky number for today: 15

GEMINI (May 21-June 20) – Kung may kailangan kang gawin na hindi mo alam kung paano uum­pisahan, kailangan mong magsanay sa mga eksperto. Maaaring kailanganin mong gumastos para madagdagan ang kaalaman pero sa kalaunan ay makatutulong ito sa iyo. Lucky number for today: 41

CANCER (June 21-July 22) – Importante ngayon na lahat ng gagawin mo sa harap ng mga tao ay may conviction. Para maging kapani-paniwala ka, kailangan mong paniwalaan ang sarili mo at ang gagawin mo dahil mahihirapan kang kumbinsihin ang ibang tao kung ikaw mismo ay hindi kumbinsido. Lucky number for today: 10

LEO (July 23-August 22) – Kung inaakala mong alam mo na kung ano ang mangyayari, nagkakamali ka ng akala. Mahirap ngayong magsigurado lalo na kung ang taong kailangan mong kausapin ay masyadong emosyunal. Lucky number for today: 3

VIRGO (August 23-September 22) – Gusto mo nang magpatawad pero sa nakikita mo, tila lalo namang gumagawa ng hindi mo gusto ang kinauukulang indibidwal. Sa pagkakataong ito, piliin na lamang ang dumistansya. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakaunawa ka. Lucky number for today: 22

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Gamitin ang kaalaman at karanasan ng mga taong tumutulong sa iyo para makuha mo ang gusto mo. Iniaalok na nila ang kanilang pag-alalay at ta­nging pride mo lamang ang nagiging hadlang. Lucky number for today: 48

SCORPIO (October 23- November 21) – Anumang ginagawa mo ngayon ay kailangang tapusin agad o isan­tabi na muna ito. Mayroong mas importanteng gawain na nangangailangan ng iyong buong atensyon. Mas malaki ang nakasalalay dito kaya magpokus. Lucky number for today: 4

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kahit maliit na effort lamang ang ibuhos mo, marami ka pa ring magagawa. Makakaunawa naman ang mga taong nasa iyong paligid dahil nakikita nila kung saan naka­sentro ang iyong atensyon. Mahirap makipagkumpetensya sa pag-ibig. Lucky number for today: 32

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung hindi ka komportable sa isang transaksyon na may kinalaman sa negosyo, tumi­gil muna at alamin kung saan nag-uugat ang iyong pagdududa. Madidiskubre mong may isinisikreto sa iyo ang katransaksyon mo at kailangan mo nang magdesisyon. Lucky number for today: 19

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kailangan mong suyuin ang ilang tao lalo na ang mga kasamahan sa trabaho. Mas makukuha mo ang kanilang kooperasyon kung idadaan sa diplomasya. Lucky number for today: 8

PISCES (February 19-March 20) – ‘Wag kang mag-assume na nagsasabi ng totoo ang mga taong kaharap mo ngayon. Double check mo ang lahat ng nakukuhang impormasyon. Hindi mo gugustuhing ikaw ang mapagbuntunan ng sisi kung magkaroon ng kapalpakan. Lucky number for today: 21

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy