Una sa Balita

Horoscope 08/14/2018

0 188

ARIES (March 21-April 19) – Isang tao sa paligid mo ang hindi nagiging totoo. Sa kabila nito, marami siyang naibibigay na impormasyon na puwede mong gawing basehan para mas makilala siya. Kung ano ang kutob mo, malamang na iyon ang totoo. Lucky number for today: 43.

TAURUS (April 20-May 20) – Bagama’t hindi advisable ang pagiging impulsive, sa pagkakataong ito ay may idudulot itong benepisyo. Hindi masamang makipagsapalaran sa araw na ito. Mapapatunayan mo ito sa makukuhang resulta. Lucky number for today: 5.

GEMINI (May 21-June 20) – Isang dating komplikadong sitwasyon ang unti-unti nang nagiging normal. Mas makakakilos ka na nang mas malaya at hindi parang nakatuntong sa mga numero. Maaari na ring makapagpokus sa iba pang mas mahahala­gang bagay. Lucky ­number for today: 24.

CANCER (June 21-July 22) – Mawawala na ang matinding restriksyon at mga hadlang sa iyong landas. Isang bagong impormasyon ang magdudulot ng malaking pagbabago sa iyong mga plano. Magiging blessing in disguise naman ito sa kalaunan. Lucky number for today: 10.

LEO (July 23-August 22) – Tapos na ang mga araw ng kaguluhan at kumakalma na ang paligid. Gamitin ang araw na ito para mapag-aralan ang iyong mga plano at upang makita kung may kaila­ngan pang i-adjust. Lucky number for today: 20.

VIRGO (August 23-September 22) – Para matumbok mo kung ano ang pinag-ugatan ng isang isyu, kailangan mong mag-imbestiga nang husto. May madidiskubre at makukuhang impormasyon na magbibigay-linaw sa nangyaring komplikasyon. Lucky number for today: 17.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Hindi mo kailangang paapekto sa pressure na nagmumula sa isang partikular na indibidwal. Posibleng ginagawa lamang niya ito upang mapuwersa ka sa isang commitment. Hindi ang interes mo ang kanyang prayoridad. Lucky number for today: 54.

SCORPIO (October 23-November 21) – Kung naghihintay ka ng tamang pagkakataon para sa isang plano, ngayon na ang araw para umaksyon. Makikiayon ang mga pangyayari. Huwag ­palagpasin ang mabu­buksang oportunidad. Lucky number for today: 46.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May sorpresang hatid ang araw na ito. May kabuntot din itong pagbabago sa iyong mga plano. Maging alerto sa maghapon para makasabay sa mga kinakaila­ngang adjustment. Lucky number for today: 1.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Tapos na ang iyong nakaraan. Iwasan ang patuloy na pag-iisip ng anumang bagay na may kinalaman sa iyong kahapon. Habang hindi mo kinakalimutan ang mga leksyong inihatid nito, hindi dapat katakutan ang kaparehong pagkakamali. Move on! Lucky number for today: 49.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Gaano man ka-moderno ang mga gadget ng komunikasyon, sumasablay rin ito at may pagkakataong hindi nakakarating ang iyong mensahe. Sa isang importanteng isyu, mas paborable pa rin ang personal na pakikipagkomunikasyon. Lucky number for today: 34.

PISCES (February 19-March 20) – Huwag masyadong katakutan ang pagbabago. Sa isang sitwasyon, hindi maiiwasan ito kaya sa halip na kumontra, ibigay ang iyong kooperasyon. Mas makukuha agad ang positibong benepisyo kung makikiayon. Lucky number for today: 56.