Una sa Balita

Horoscope 08/14/19

0 257

ARIES (March 21-April 19) – Mag-isip nang ma­raming beses lalo na kung meron kang gustong tapusing relasyon o anumang partnership. Habang mataas ang emosyon, iwasan munang magdesisyon. Hindi ito makakatulong sa iyo sa kalaunan. Lucky number for today: 50

TAURUS (April 20-May 20) – Masyadong nagiging mabilis ang takbo ng mga pangyayari. Kailangan mo ng kaunting pahinga. Agwat muna sa mga tensyon. Piliing magsarili at dumistansya para mas makapag-isip nang husto. Lucky number for today: 46

GEMINI (May 21-June20) – Walang rason na itodo ang effort sa isang bagay na wala ka nang nararamdamang interes. Putulin na ito o tuluyang isan­tabi. Ito ang tamang pagkakataon para tumalikod sa isang hindi mo na kailangan at mag-move on nang tuluyan. Lucky number for today: 30

CANCER (June 21-July 22) – Ilang indibid­wal sa paligid mo ang masyadong nagiging mapilit at agresibo ngayon. Maaaring magkaroon ng tensyon kung hindi mo iingatan ang mga komentong lumalabas sa iyong bibig. Kontrolin pa ang buso ng emosyon. Lucky number for today: 57

LEO (July 23-August 22) – Isang taong gusto mong ma-impress ang mahirap pasayahin ngayong araw na ito. Makakasakit ito ng iyong damdamin lalo ng iyong pride. Iwasang maging masyadong defensive dahil may matututunan ka sa kanyang mga kritisismo. Lucky number for today: 47

VIRGO (August 23- September 22) – Gusto mong gumawa ngayon ng kakaiba. Gusto mong gu­latin ang mga tao sa paligid mo. Makakaagaw ito ng pokus sa isang importanteng gawain. Pero kung pagpaplanuhang mabuti ang gustong gawin, may paraan para mapagsabay ito. Lucky number for today: 9

LIBRA (September 23- October 22) – Gaano ka man katagumpay, marami ka pa ring gustong ma-achieve. Mahirap kang makuntento at marami kang target sa buhay. Iwasan lamang na makaligtaan nang husto ang iyong kalusu­gan. Lucky number for today: 27

SCORPIO (October 23- November 21) – Kailangan mong maging mas agresibo ngayon, mas malakas ang boses para marinig ang iyong mensaheng gustong iparating. May ilang taong sadyang ayaw makinig at hindi na sila dapat pang pilitin dahil hindi naman sila kawalan. Lucky number for today: 56

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Importanteng panindigan mo ang iyong prinsipyo ngayong araw na ito. Hindi masamang magpakatotoo kahit merong mga taong hindi maiiwasang masaktan sa kailangan mong iparating. Lucky number for today: 11

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kaya mong matalo ang isang tao, kaya mo siyang ilagay sa alanganing sitwasyon pero bakit mo pa ito pag-aaksayahan ng lakas at ng oras? Makabubuting itikom na lamang ang bibig dahil nasa iyo naman ang suporta ng nakararami. Lucky number for today: 30

AQUARIUS (January 20-February 18) – Alam mo na kung ano ang tunay mong gusto at kung ano ang tunay mong target. Gawin ito. Walang dapat sa­yanging oras dahil maaari pang makawala ang oportunidad. Lucky number for today: 20

PISCES (February 19-March 20) – Kailangan mo ngayong pumili: manatili sa mga pinaniniwalaan mo o mag-try ng isang bago at exciting na adventure. Mag-ingat lamang dahil puwede kang masaktan sa bandang huli kung hindi ka mag-iingat. Lucky number for today: 30

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy