Una sa Balita

Horoscope 08/12/2018

0 227

ARIES (March 21-April 19) – Ito ang araw para mag-recognize ang mga paghihirap mo. May malaki ring impluwensya ang araw na ito sa aspeto ng romansa at pinapaboran ang anumang pakikipagsapalaran. Isang dating temporaryo lamang ang posibleng maging permanente. Lucky number for today: 55.

TAURUS (April 20-May 20) – May bagong pani­mula at may kinalaman ito sa loob ng tahanan. May posibilidad din na magkaroon ka ng bagong responsibilidad. May hatid namang excitement ang isang mabubuong arrangement na maaaring may kinalaman sa iyong career. Lucky number for today: 14.

GEMINI (May 21-June 20) – Ang kailangan mo ngayon ay mga pakikipag-usap na makaka-challenge sa iyong isip. Alisin ang mga palabok na usapin at iwasang magpaligoy-ligoy. Saka mo pa lamang matutukoy ang katotohanan. Lucky number for today: 20.

CANCER (June 21-July 22) – Masesentro ang iyong isip sa mga usa­ping may kinalaman sa pera at sa iyong kinikita, kung may trabaho ka na. Kailangan mong patatagin ang iyong pinansyal na estado at alamin kung ano ang iyong mga prayoridad. Kontrolin din ang mga hindi importanteng paggastos. Lucky number for today: 50.

LEO (July 23-August 22) – Alam mo kung sino ka at batid mo rin kung ano ang iyong mga kaga­lingan at kahinaan. Muling rebisahin ang iyong mga goal sa buhay. Maaaring nalilihis ka na sa orihinal mong plano at direksyon. Lucky number for today: 21.

VIRGO (August 23-September 22) – Iwasan ngayon ang mga pag-aksyon na hindi muna pinag-iisipan. Bigyang- pansin din ang isang ideya na matagal mo nang pinag-iisipan pero hindi mo maipatupad. Dumating na ang pagkakataong hinihintay mo. Lucky number for today: 19.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Ang araw na ito ay maghahatid ng bagong relasyon tulad ng pakikipagkaibigan at iba pang uri ng koneksyon. Hindi rin masamang lumabas sa iyong comfort zone at nakasanayang gawin. Lucky number for today: 26.

SCORPIO (October 23-November 21) – Isang bagong chapter ang posibleng mabuksan para sa iyo ngayong araw na ito. Mas kakaunti rin ang restriksyon sa araw na ito. Pagbigyan ang kagustuhang masubukan ang isang bagong direksyon. Lucky number for today: 54.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Mapopokus ang araw na ito sa mga overseas connection at isang posibleng pagbibiyahe. Magbubukas din ito ng posibilidad sa isang bagong karanasan na magpapalawak ng iyong kaalaman. Lucky number for today: 37.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Isang aspetong pinansyal ang magiging mas komplikado. Kung dati ay may benepisyo kang natatanggap, ngayon ay posibleng mawala ito. Kailangan mong bigyan ito ng sapat na panahon para ganap na maresolba at maagapan ang mga negatibong epekto. Lucky number for today: 29.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Ito na ang tamang pagkakataon para malaman mo ang isang katotohanan. May magagawa ka para mabawasan ang negatibong impact nito. Maging maingat sa mga kailangang gawin. Lucky number for today: 11.

PISCES (February 19-March 20) – Makukuha mo lamang ang hinaha­nap mong fulfillment kung handa kang gumawa ng ilang pagbabago na malayo sa iyong nakasanayan. May pagkakataon ngayon para sa pagbabagong ito. Lucky number for today: 26.