Una sa Balita

Horoscope 08/12/19

0 203

ARIES (March 21-April 19) – Papabor sa iyo ang kapalaran ngayong linggong ito. Mas magiging magaan din ang pakiramdam mo sa pakikiharap sa ibang tao at sa pagtingin mo sa iyong sarili. ‘Wag mawalan ng kumpiyansa. Lucky number for today: 1

TAURUS (April 20-May 20) – Manatili sa iyong mga long-term na plano sa buhay. At ‘wag matuksong daanin sa shortcut o pabilisan ang lahat ng ginagawa mo. Mas malamang ang pagkakamali kung la­ging nagmamadali. Lucky number for today: 10

GEMINI (May 21-June 20) – Isang taong nakilala mo sa iyong pagbibiyahe ang magi­ging importanteng tao sa buhay mo. Marami siyang maitutulong sa mga ipinupursige mo sa buhay. Kung wala pang partner sa buhay, may potensyal ang indibidwal na ito. Lucky number for today: 46

CANCER (June 21-July 22) – Kailangan mong harapin ang ilang hindi inaasahang hadlang sa iyong daan nga­yon at sa susunod na araw. Marami ring hamon sa iyong trabaho at career. Manatiling kalmado at malalagpasan ito. Lucky number for today: 32

LEO (July 23-August 22) – Pakiramdam mo ay may mga puwersang tila pinupuntirya pero hindi ito totoo. Nakakapraning lang talaga ang sobrang pressure na nararamdaman mo. Bigyan din ng panahon ang isip na makapagrelaks. Lucky number for today: 14

VIRGO (August 23- September 22) – Dumistansya muna sa away ng ibang tao kahit malapit pa sa puso mo. Ang kanilang away ay hindi mo dapat ituring na away mo. Mas mara­ming importanteng isyung kailangang unahin bago ang buhay ng iba. Lucky number for today: 56

LIBRA (September 23-October 22) – Hindi mo kailangang mag-explain sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon. ‘Wag nang sayangin ang oras sa paghahabol mo sa pagsang-ayon ng ilang kaibigan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magkapareho kayo ng posis­yon. Lucky number for today: 58

SCORPIO (October 23-November 21) – Hindi ka dapat makuntento na second best. Ibuhos ang iyong siyento porsiyentong effort at maaari mong makuha ang ‘the best’. Papaganda rin ang kalagayang pinansyal. Lucky number for today: 30

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Mapapaboran ka ngayon at sa mga susunod na araw. Kalimutan na ang mga nagawang kapalpakan pero hindi ang leksyong iniwan nito. Gamitin ang na­ging karanasan para magtagumpay. Lucky number for today: 40

CAPRICORN (December 22-January 19) – Isang magandang nagawa mo para sa isang kaibigan ang aani ngayon ng magandang reward. Ang taong tinulungan mo ngayon ay makakatulong nang malaki sa isang importanteng ipinupursige mo. Lucky number for today: 36

AQUARIUS (January 20-February 18) – Mahirap tuparin ang lahat ng pangako kaya iwasang mag-commit lalo na kung hindi ka siguradong makakaya mo ito. Maaari lamang sumama ang loob ng taong iyong mapapangakuan at tuluyan kayong magkalayo ng landas. Lucky number for today: 11

PISCES (February 19-March 20) – Umiwas sa mga taong walang ginawa kundi maghanap ng mali at mag-abang ng mga negatibong pangyayari. Sa halip, sumama sa mga taong laging may positibong pananaw para mas malayo ang iyong marating. Lucky number for today: 8

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy