Una sa Balita

Horoscope 08/11/2018

0 152

ARIES (March 21-April 19) – Kung hindi ka umubra sa isang nilapitan mo, laging merong opsyon para lumapit sa iba. Hindi ito ang pagkakataon para unahin ang pride. Dagdag effort pa para sa tagumpay. Lucky number for today: 30

TAURUS (April 20-May 20) – Makakatulong sa aspeto ng komunikasyon kung ma­ging mas supportive ka at uunahin ang pakikinig bago ang pagsasalita. Mas marami ka ring makukuhang impormasyon bibigyan ng atensyon ang sinasabi ng taong kaharap. Lucky number for today: 49

GEMINI (May 21-June 20) – May ilang pagkakataon na itinutu­ring nating biro lamang ang mga nakakaharap nating hamon. Sa halip, nagiging dagdag sigla pa sa iyo ang mga ganitong sitwasyon. Makakatulong din kung magiging mas honest ka sa nararamdaman. Lucky number for today: 6

CANCER (June 21-July 22) – Magtiwala na ang lahat ng pagsasakripisyo mo ay nabibigyang pansin at susuklian ng kinauukulan. Sa aspeto ng iyong lovelife, pakaingatan ang isang pakikipag-usap dahil posibleng mauwi ito sa madramang sitwasyon. Lucky number for today: 12

LEO (July 23-August 22) – Ang iyong pagsalungat sa kagustuhan ng nakararami ay magdudulot ng matinding tensyon. Iwasan lamang na pagbuntunan ng bugso ng emosyon ang iyong partner. Mahirap bawiin ang isang masakit na salitang dala lamang ng init ng ulo. Lucky number for today: 46

VIRGO (August 23- September 22) – Isa sa mga ideya mo ang maari mong maging stepping stone para makuha ang isang malaking bagay. Mas makatutulong din kung mag-isa ka munang aaksyon. Mas mapagtutuunan mo ito ng kinakailangang atensyon. Lucky number for today: 57

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Hindi lahat ng araw ay Pasko. Kung nakikita mong nakakaungos ang iba, iwasang panghinaan ng loob. Darating din ang tamang pagkakataon para sa iyo. ‘Wag munang bibitaw. Lucky number for today: 13

SCORPIO (October 23-November 21) – Sa pagkakataong ito, hindi puwedeng nag-oobserba ka lamang sa malayo. Kailangang nasa sentro ka ng aksyon. Malaki ang maibibigay mong kontribusyon. Lucky number for today: 48

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Nakakalaki ng puso kung nakikita mong sampalataya sa iyong mga pananaw ang isang taong mahal mo. Gayunpaman, hindi ito lisensya para ikaw na ang magpatakbo ng buhay niyo. Hayaan mo siyang dumiskarte para sa sarili niya. Sapat nang maiparamdam na patuloy kang nakasuporta. Lucky number for today: 29

CAPRICORN (December 22-January 19) – Isang dating hindi mo matanggap ang mararamdaman mong napapalapit na sa puso mo. Posible ring hindi ito swak sa panlasa ng ilang kaibigan pero ikaw pa rin ang dapat mangibabaw. Lucky number for today: 16

AQUARIUS (January 20-February 18) – Mapopokus ang araw na ito sa trabaho at obligasyon. Maaari namang pagmulan ito ng tensyon sa iyong lovelife kung hindi mo mababalanse ang iyong atensyon at panahon. Lucky number for today: 20

PISCES (February 19-March 20) – ‘Wag ang maliliit na bagay ang pag-ukulan ng pansin. Dumistansya sa sensitibong sitwasyon para mas makita mo ang bigger picture. Isang mahal sa buhay ang hindi masyadong nagiging supportive dahil naghihintay pa siya ng kaukulang paliwanag. Lucky number for today: 51