Una sa Balita

Horoscope 08/10/2018

0 173

ARIES (March 21-April 19) – Bigyang pansin ang kalusugan dahil magiging mas mapanghamon ang mga susunod na araw. Kailangan ding baguhin ang isang nakasanayan para mag-level up ang mga nakukuhang resulta. Lucky number for today: 21

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi lamang isang beses kundi ilang beses magkakaroon ng pagbabago sa iyong mga plano. Kung kinakailangan, mas ma­ging matapang sa mga ipatutupad na adjustment. Lucky number for today: 6

GEMINI (May 21-June20) – ‘Wag munang magrelaks kahit naibuhos mo na ang lahat ng effort sa isang ipinupursige mo. May benepisyong idudulot ang patuloy na pagbabantay. Isang opsyon na hindi mo pa nasusubukan ang dapat ikonsidera. Lucky number for today: 52

CANCER (June 21-July 22) – ‘Wag munang ilantad ang lahat ng barahang hawak. Sa isang sensitibong sitwasyon, makabubu­ting mag-iwan ng alas na magagamit mo sa mga sandaling pumapasok ang komplikasyon. Lucky number for today: 23

LEO (July 23-August 22) – Hindi mo man makuha ang pagsang-ayon na hinihintay mo, hindi rin naman ganap na pagkontra ang ipapakita sa iyo. Unawain na lamang na may mga taong mas gustong mag-obserba muna bago ganap na mahikayat. Lucky number for today: 13

VIRGO (August 23-September 22) – ‘Wag magmadali sa mga pag-aksyon. May mga restriksyon na magpapabagal sa proseso. Malaki ang maitutulong kung maipapakita mong ganap ang iyong kumpiyansa sa mga ginagawa mo. Lucky number for today: 44

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – May isang malaking hamon kang pagdaraanan. Dito mas masusukat kung gaano ka katibay. Iwasan lamang na maging balat-sibuyas sa mga negatibong komento. Hindi lahat ay mapapasaya mo. Lucky number for today: 45

SCORPIO (October 23-November 21) – Pride ang pumipigil sa iyo para aminin na kailangan mo ng tulong. Isantabi muna ito. Mas malaki ang benepisyo kung tatanggapin mo ang suporta na matagal nang gustong ibigay sa iyo. Lucky number for today: 20

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Matindi ang pressure sa isang sitwasyon ngayon. Sa halip na katakutan, ito ang magtutulak sa iyo para maging mas matapang sa pagdedesisyon. Kailangan mo itong pagdaanan dahil ito ang lalong magpapalakas sa iyo. Lucky number for today: 56

CAPRICORN (December 22-January 19) – Tiyaking tama ang hawak mong mga impormasyon bago sumabak sa anumang seryosong pakikipag-usap. Magiging madali ang buong proseso kung maipapakita mong nasa panig ka ng katotoha­nan. Lucky number for today: 43

AQUARIUS (January 20-February 18) – Isang suhestyon o anumang iniaalok sa iyo ang hindi mo agad magugustuhan. Bago ito tuluyang tanggihan, pag-isipan muna itong mabuti at makikita mong malaki ang maitutulong nito sa iyo. Lucky number for today: 19

PISCES (February 19-March 20) – Hindi lahat ng mensahe mo ay nakakarating sa kinauukulan. Bigyang pansin ang aspeto ng komunikasyon upang maiwasan ang tensyon at hindi pagkakaunawaan. Dapat mo ring maipakita ng approachable ka kaysa inaakala ng iba. Lucky number for today: 47