Una sa Balita

Horoscope 08/09/2018

0 162

ARIES (March 21-April 19) – Isang oportunidad ang mabubuksan para sa iyo pagdating sa aspeto ng iyong lovelife. Hindi maiiwasang mapansin na magkapareho kayo ng interes ng isang taong dati ay itinuturing mong kaibigan lamang. Kung single ka pa, makiayon muna sa mga pangyayari. Lucky number for today: 40.

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi lahat ng kaibigan ay dapat pagtiwalaan pagdating sa isyu ng iyong lovelife. Piliin kung sino lamang ang puwedeng pagsabihan ng iyong mga hinaing. Sa halip na makatulong, maaaring makagulo lamang ang pagsi-share sa maling indibidwal. Lucky number for today: 58.

GEMINI (May 21-June 20) – Kahit anong pagtutol ang gawin mo, hindi ito uubra sa anumang nakatakdang mangyari. Pagsasayang lamang ng panahon ang pagtatangkang kumontra. Makiayon na muna sa mga pangyayari at makikita mong may maganda itong benepisyo sa dakong huli. Lucky number for today: 10.

CANCER (June 21-July 22) – Isang isyu ang sob­rang nakakaapekto sa iyong emosyon. Maging ang iyong partner ay madadamay sa tensyon. Mas makakatulong kung sasa­bihin mo sa kanya ang buong pangyayari para makuha ang kanyang suporta. Lucky number for today: 42.

LEO (July 23-August 22) – Kailangan mo nang magsalita para sabihin kung ano ang iyong opinyon sa isang partikular na isyu. Ang pananahimik ay aakalaing kawalan ng interes. May malaking maitutulong kung maririnig ng lahat ang panig mo. Lucky number for today: 58.

VIRGO (August 23-September 22) – Nasa tamang panahon para tanggapin ang anumang hamon na inilalapit sa iyong harapan. Ibang lebel ito at kakaila­nganin ang iyong matin­ding konsentrasyon. Kaya mo itong malagpasan at posibleng mahigitan mo pa ang ekspektasyon ng ibang tao. Lucky number for today: 22.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Kung may nakasamaan ng loob sa mga nagdaang araw, ngayon na ang tamang pagkakataon para maresolba ito at magkaroon ng closure. ‘Wag ha­yaang maputol ang isang magandang koneksyon nang dahil lamang sa pride. Lucky number for today: 11.

SCORPIO (October 23-November 21) – May nagbabago sa iyong relasyon. Isang taong malapit sa puso mo ang nagiging pahirap. Posibleng idinulot ito ng kaabalahan sa mga nagdaang araw. Kailangan mong maibalik sa normal ang tensyonadong sitwasyon. Lucky number for today: 5.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – ‘Wag nang maghintay pa. Dumating na ang pagkakataong inaabangan mo na may kinalaman sa isang sensitibong isyu sa lovelife. Balansehin ang sinasabi ng isip at ibinubulong ng puso. Lucky number for today: 18.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Isang taong malapit sa puso mo ang naghihintay ng iyong assurance. Bigyan siya ng sapat na atensyon bago niya tulu­yang maisip na hindi siya mahalaga para sa iyo. Kailangan niya ang iyong pagdamay. Lucky number for today: 32.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Ang anumang boring na sitwasyon ay kayang pasiglahin kung pag-uukulan lamang ito ng sapat na atensyon. Pagbigyan ang nararamdaman mong paghahanap ng adventure. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pasasaklaw ka sa mga restriksyon. Lucky number for today: 5.

PISCES (February 19-March 20) – Gamitan ng imahinasyon ang isang pangyayari para maibalik ang sigla. Kung may kinalaman ito sa iyong lovelife, kumawala muna sa mga routine. Iwan ang comfort zone at maging handa sa makukulay na pangyayari. Lucky number for today: 14.