Horoscope 08/09/19

0 646

ARIES (March 21-April 19) – Anumang kabiguan ang naranasan mo sa nagdaang linggo ay maisasaayos na. Balik na sa normal ang lahat at walang makakapigil sa iyo para makipagsaya. Lucky number for today: 50

TAURUS (April 20-May 20) – Iwasang ma-ging mapanghusga lalo na sa mga taong may kaibang pananaw kumpara sa iyo. Hindi mo lubusang batid ang kanilang pinagdaraanan kaya piliing manahimik at lawakan ang pang-unawa. Lucky number for today: 23

GEMINI (May 21-June20) – Todo suporta ang iyong mga kaibigan at mahal sa buhay. Gawin ang lahat para maiparamdam ang iyong pasasalamat. Marami pa silang maitutulong sa mga d­arating na panahon. 20

CANCER (June 21-July 22) – Nasa mood ka para i-push pa ang sarili mo. Pero alalaha-ning kailangan mo rin ng pahinga. Bantayan din ang iyong kalusugan na maaaring nakakaligtaan mo na sa gitna ng kaabalahan. Lucky number for today: 16

LEO (July 23-August 22) – Express mo lamang ang sarili sa paraang komportable sa iyo. Sa career man o sa pag-ibig, ikaw ang mangi-ngibabaw sa araw na ito kaya samantalahin ang magandang oportunidad. Lucky number for today: 11

VIRGO (August 23- September 22) – Wag munang kumontra sa mga pangyayari lalo na sa mga sitwasyong hindi mo kayang baguhin. Kapag maaga mo itong tinanggap, maaga ka ring makakapag-adjust. Lucky number for today: 27

LIBRA (September 23- October 22) – Hindi mo kailangang lumapit sa ibang tao ngayon dahil ikaw ang lalapitan nila. Hindi ka rin mag-iisa. Sa taglay mong karisma nga-yon, marami ang gustong sumunod-sunod sa iyo. Lucky number for today: 13

SCORPIO (October 23- November 21) – Wag masyadong magpakaabala sa paghahangad mo sa mga materyal na bagay. Ito ang magiging dahilan para maisantabi mo kung ano ang tunay na dapat bigyang halaga. Lucky number for today: 55

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Anumang pagbabago ang mangyari sa buhay mo sa loob ng araw na ito, makatitiyak kang papabor ito sa iyo. Maliwanag din ang mga araw pang dara-ting at may pagkakataon kang makapagpakitang-gilas. Lucky number for today: 45

CAPRICORN (December 22-January 19) – Masyadong marami kang hinahabol na goals sa buhay. Mara-ming mga pangarap kaya hindi mo na ma-bigyan ng siyento por siyentong atensyon at effort ang bawat isa. Pumili lamang ng pinakamalapit sa puso at doon ka muna mag-concentrate. Lucky number for today: 19

AQUARIUS (January 20-February 18) – May magandang pagkakataon para sa iyo at sa mahal mo na makapag-bonding nang husto. Marami ka ring makikilala sa iyong mga biyahe na may malaking maitutulong sa iyo. Lucky number for today: 18

PISCES (February 19-March 20) – Lahat ng effort mo ay magbubunga ng positibong resulta. Mapapataas mo pa ang iyong reputasyon at imahe. Pati ang mga importanteng tao sa trabaho o career ay makukuha mo ang suporta. Lucky number for today: 16

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...