Una sa Balita

Horoscope 08/07/2018

0 162

ARIES (March 21-April 19) – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangang maging mapagbantay. Kung alam mong naibigay mo ang iyong best effort, ‘wag nang pahirapan pa ang sarili. Lucky number for today: 5.

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi laging naibibigay ang ikalawang pagkakataon. Mas makabubuting pagbutihin na agad ang iyong ipapakita. Importante rin na maiparamdam mo sa lahat ang iyong kumpiyansa sa sarili. Lucky number for ­today: 17.

GEMINI (May 21-June 20) – Naibuhos mo na ang iyong makakaya. Hintayin muna ang magiging resulta nito. May naghihintay na reward sa mga susunod na araw kung saan masusuklian na ang ­lahat ng paghihirap mo. Lucky number for today: 31.

CANCER (June 21-July 22) – Isang bagay o isyu ang manganga­ilangan ng mabilisang aksyon. ‘Wag nang magdalawang-isip sa gagawin. Medyo mahirap ito sa umpisa pero malalagpasan mo kung determinado ka. Lucky number for today: 11.

LEO (July 23-August 22) – May kalituhan sa isang naging kasunduan. Kailangan muna itong muling linawin. Hindi puwedeng manatiling nanghuhula sa iniisip ng kapareha mo. Habang maaga, kaila­ngan niyong magkali­nawan. Lucky number for today: 44.

VIRGO (August 23-September 22) – Isang pakikipagsapalaran ang kailangang gawin. Posibleng kailanganin mong magbago ng tinatahak na direksyon. Lakas ng loob at tibay ng dibdib ang kailangan. Lucky number for today: 39.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – May isang pagdedesisyon na kailangang gawin. Hindi ka mabibigyan ng sapat na panahon para rito. Alisin ang mga pagdududa dahil ito ang nagpapahirap sa iyo. Lucky number for ­today: 51.

SCORPIO (October 23-November 21) – Higit na madali ang makiayon kaysa kumontra. Pero kung patuloy mong sasarilinin ang mga opinyon at ideya mo, hindi ka naman magkakaroon ng peace of mind. Sa pagkakataong ito, importanteng panindigan ang iyong mga paniniwala. Lucky number for today: 1.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Sa mga maliliit na bagay nag-uumpisa ang mga mala­laking aberya. Sa araw na ito, magpokus muna sa maliliit na isyu. Kaila­ngan ding maging maagap sa pagkilos. Lucky number for today: 13.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Isa sa mga plano para sa hinaharap ang posibleng hindi agad magkaroon ng katuparan. Maraming hadlang sa iyong daan. Kailangan mong gumawa ng adjustment. Lucky number for today: 56.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Dagdagan pa ang effort. Marami ka pang dapat gawin para tuluyang makumbinsi ang ilang tao sa paligid mo. Manatiling determinado at iwasang mawala ang kumpiyansa sa sarili. Lucky number for ­today: 37.

PISCES (February 19-March 20) – Kung nararamdaman mong masyado nang mabigat ang inaako mong responsibilidad, kailangan mo nang kumawala. Kausapin ang mga taong kinauukulan. Hindi puwedeng patuloy mong pahirapan ang iyong sarili. Lucky ­number for today: 54.