Una sa Balita

Horoscope 08/06/2018

0 157

ARIES (March 21-April 19) – Kung tatanggalin ang takot, mas papasok ang mga magagandang pangyayari sa buhay. Maging ang iyong emotional world ay mabebenepisyuhan. Harapin ang lahat ng hamon nang may kumpiyansa sa sarili. Lucky number for today: 36

TAURUS (April 20-May 20) – Isang masakit na bahagi ng iyong nakaraan ang patuloy na nagpapabigat sa iyong emosyon. May pagkakataon ngayon para tuluyang makawala rito. Maging totoo sa sarili para tuluyang maka-move on. Lucky number for today: 51

GEMINI (May 21-June20) – Maging honest sa mga nararamdamang pangamba at pag-aalala. Sabihin ito iyong partner. Malaki ang maitutulong sa iyo kung hindi mo sasarilinin ang anumang nakakagulo sa iyong isip. Lucky number for today: 49

CANCER (June 21-July 22) – Kontrolin ang emosyon. Kung nararamdaman mong hindi ka pa handa, ‘wag munang pilitin ang sarili. Darating ang tamang panahon para sa lahat ng bagay. Lucky number for today: 30

LEO (July 23-August 22) – May tensyon na maaaring pagdaanan pero ang sitwasyong ito rin ang magiging dahilan para tuluyang mailabas ang stress na nararamdaman. May kailangan kang tutukang isyu sa iyong lovelife, gawin ito ngayon. Lucky number for today: 56

VIRGO (August 23- September 22) – Malaki ang maitutulong ng imahinasyon sa isang proyektong ipinupursige. Iwasan munang itaas masyado ang ekspektasyon. Gawin ang iyong best at hintayin ang resulta. Lucky number for today: 3

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Mas malakas ngayon ang kagustuhang mong makawala sa isang nakakasakal na relasyon o sitwasyon. Posibleng kailanganin ang isang heart to heart talk para maisaayos ang anumang isyu. Lucky number for today: 26

SCORPIO (October 23- November 21) – Makukuha mo ang buong tiwala ng taong kaharap. Ang mga pag-aalinlangan sa mga nagdaang araw ay ganap na mabubura. Makiayon muna sa mga nangyayari. Lucky number for today: 29

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Maaaring gusto ng iyong partner na mag-level up sa inyong relasyon. Kung may pagtutol kang nararamdaman, nanga­ngahulugan lamang itong hindi ka pa ganap na handa. Lucky number for today: 34

CAPRICORN (December 22-January­ ­19) – ‘Wag mong hayaang maging least priority ang iyong lovelife. Iparamdam sa iyong partner na pinahahalagahan mo siya at ang inyong relasyon. Manatili ring positibo. Lucky number for today: 18

AQUARIUS (Januar­y 20-February 18) – Kailangan mong ma­ging mas mapagpa­sensiya pagdating sa isang pagbabagong gustong ipatupad. Pang long-term ang transpormasyong target mo kaya hindi ito puwedeng idaan sa paspasan. Lucky number for today: 28

PISCES (February 19-March 20) – Umiwas ka man o hindi, narito na ang isang malaking pagbabago. Pakinggan ang iyong intuition sa pagharap sa mga hamon na hatid nito sa iyong buhay. Stay positive! Lucky number for today: 2
Dto n ako mam