Una sa Balita

Horoscope 08/05/2018

0 143

ARIES (March 21-April 19) – Mada­ling mapapalagay ang loob ng kasamahan mo kung nagiging open ka sa kanila. Ang pagiging masikreto ang nagiging pader sa inyong pagitan. Lucky number for today: 1

TAURUS (April 20-May 20) – Nasa pagbabago at transpormasyon ang pokus ng araw na ito. Hindi na uubra at nagiging pabigat lamang ang isang bagay o sitwasyon na matagal nang nakatengga. Lucky number for today: 13

GEMINI (May 21-June20) – Mabilis makakabuo ng desisyon kung may katulong ka sa pag-iisip. Kakailanganin mo lamang umiwas sa mga madramang diskusyon. Lucky number for today: 57

CANCER (June 21-July 22) – Kung respeto ang hanap mo, dapat mo rin itong ibigay sa bawat interaksyon mo. Mas makakapagrelaks ka ngayon sa piling ng mga taong malapit sa puso mo. Lucky number for today: 6

LEO (July 23-August 22) – Ang iyong galing ay hindi na kailangan pang sabihin, nakikita naman ito ng lahat. Sa araw na ito, mas paborable rin ang tradisyonal na mga paraan kaysa mga hindi nakasanayan. Lucky number for today: 2

VIRGO (August 23-September 22) – May mga limitasyon ngayon kung hanggang saan ka lamang puwedeng makialam sa isang sensitibong sitwasyon. Mareresolba ito kahit hindi ka makigulo. Umiwas sa anumang tensyon. Lucky number for today: 14

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Ngayon ang tamang pagkakataon para ipa­kita na isa kang ma­galing na lider. Gamitin ang karisma para mas makuha ang suporta ng iba. Taglay mo ang karanasan at dedikasyon na kailangan. Lucky number for today: 7

SCORPIO (October 23-November 21) – Sa araw na ito, posibleng makaranas ka ng ‘information overload.’ Mahirap mag-isip kung marami kang ikinukonsiderang posibilidad. Magiging komplikado rin ang isang ipinupursige. Lucky number for today: 40

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Gustuhin mo mang magbago ang isang indibidwal na importante sa buhay mo, hindi mo ito makukuha. Mahirap pilitin ang isang taong sarado sa lahat ng paliwanag. Lucky number for today: 5

CAPRICORN (December 22-Ja­nuary 19) – Bago mo mahalin ang ibang tao, kailangan mo munang mahalin ang sarili mo. Maaring kailanganin mo ring patawarin ang sarili sa isang pangyayaring may kinalaman sa nakaraan. Lucky number for today: 30

AQUARIUS (Ja­nuary 20-February 18) – Nasa pamilya pa rin ang iyong lakas. Gaano man kalayo ang marating mo, hindi sila dapat kaligtaan. Bigyan ngayon ng atensyon ang mga isyung pinakamalapit sa puso mo. Lucky number for today: 54

PISCES (Feb­ruary 19-March 20) – Hindi mo mapapasaya lahat ng tao lalo na ang ilang indibidwal na nakapokus sa bawat pagkakamali mo. Makabubuting huwag nang pakinggan ang kanilang mga komento. Magpapabigat lamang ito sa iyo. Lucky number for today: 9