Una sa Balita

Horoscope 08/03/2018

0 168

ARIES (March 21-April 19) – Kaila­ngan mo lamang ng determinasyon. May mga pagsubok at hadlang sa iyong daan pero ang lahat ng ito’y kayang resolbahan. Manalig sa sariling kakayahan. Lucky number for today: 56.

TAURUS (April 20-May 20) – Kahit anong praktis at paghahanda ang gawin, may pagkakataong hindi maiiwasan ang pagkakamali at aberya. Bigyan ng palugit ang sarili dahil sa mga pagkakamali tayo nagiging mas matatag. Lucky number for today: 50.

GEMINI (May 21-June 20) – Kung noong una ay naninibago ka pa sa mga pagbabago, ngayon ay unti-unti mo nang nagagamay ang lahat. Mas magiging kompor­table na ang mga aksyon mo. Lucky number for today: 40.

CANCER (June 21-July 22) – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang magtatama ng mga mali ng iba. Bigyan mo rin ng pagkakataon ang mga tao sa paligid mo na ma­ging mas responsable sa kanilang ginagawa. Lucky number for today: 24.

LEO (July 23-August 22) – Kung hindi ka magsasalita ngayon, mawawala na ang oportunidad para sabihin kung ano ang nasa isip mo. ‘Wag patalo sa takot. Hindi ka maririnig kung pipiliin mong manahimik. Lucky number for today: 35.

VIRGO (August 23-September 22) – Sa pagkakataong ito, mas paborable ang sama-samang pagkilos kaysa kanya-kanyang diskarte. May mga komplikasyon na mareresolba lamang sa team effort. Lucky number for today: 28.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – May mga sitwasyon na bigla na lamang sumusulpot. Sa mga ganitong pagkakataon masusukat kung gaano ka kagaling. Lucky number for today: 21.

SCORPIO (October 23-November 21) – May mga pagkakamali na sa dakong huli ay maituturing mong blessing in disguise. Kung sa una ay pagkadismaya ang naramdaman, sa mga susunod na araw ay ipagpapasalamat mo ang lahat. Lucky number for today: 20.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Sa gitna ng mga nararanasang delay sa iyong mga plano, iwasang magsa­yang ng oras sa sisihan at pagtuturuan ng responsibilidad. Hindi makakatulong ang salita, kailangang puro aksyon muna. Lucky number for today: 41.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang tutulong. Ngayon ay ikaw naman ang dapat tulungan. ‘Wag nang pairalin ang pride. Lucky number for today: 5.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Mababawasan ang nararamdaman mong stress kung medyo luluwagan ang pagtutok sa bawat sitwasyon. May mga nangyayaring hindi na kailangang bantayan. Lucky number for today: 4.

PISCES (February 19-March 20) – Nagi­ging madali ang bawat plano kung nakikiayon ang lahat. Pero hindi mapupuwersa ang ibang tao na ibigay ang kanilang suporta kung talagang ayaw nila. Respetuhin na lamang ang posisyon ng lahat. Lucky number for today: 36.