Una sa Balita

Horoscope 08/02/2018

0 176

ARIES (March 21-April 19) – May kaguluhan at may kinalaman ito sa iyong emosyon. May mga pagbabago pero ito ay may positibong hatid sa iyo. Sa aspeto ng career, may nararamdamang pagsasawa o pagkapagod sa trabaho. Lucky number for today: 22.

TAURUS (April 20-May 20) – Sa gitna ng mga problema, may isang nagbibigay ng pag-asa. Makikita mo na ang pruweba na ang lahat ng pinaghirapan mo ay hindi nasayang. Lucky number for today: 38.

GEMINI (May 21-June 20) – Hindi ito ang oras para makipagsisihan. Ang isang resultang nasa harap mo ay hindi kasing ganda ng inaasahan mo pero may magagawa ka pa para baguhin ito. Kaunting adjustment lamang ang kailangan sa isang napagplanuhan. Lucky number for today: 21.

CANCER (June 21-July 22) – Sa ngayon ay ikaw pa lamang ang naniniwala sa isang sitwasyon na gusto mong ipaglaban. ‘Wag mawalan ng pag-asa dahil magiging malinaw din ang lahat sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 10.

LEO (July 23-August 22) – ‘Wag hayaang manlamig ang iyong ipinaglalaban. Merong conflict of interest pero hindi ito dahilan para bumitaw. Malayo na ang narating mo para umatras pa. Lucky number for today: 23.

VIRGO (August 23- September 22) – Hindi masamang magpahinga muna kung alam mong sobra na ang effort na ibinuhos mo sa isang ipinupursige. Magbigay muna ng sapat na palugit para makita ang resulta ng iyong mga naumpisahan. Lucky number for today: 35.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Ka­ilangan pa ng dagdag na pagtitiis at paghihintay bago mo makita ang lahat ng bunga ng iyong pinaghirapan. Kahit natatagalan ang lahat, hindi ito nangangahulugan na nakalimutan ka na. Manatiling positibo. Lucky number for today: 18.

SCORPIO (October 23-November 21) – Pakinggan ang iyong instinct pagdating sa isang sensitibong sitwasyon. Posibleng masorpresa sa isang pagbabago. Hindi agad ito babagay sa panlasa mo pero bigyan ito ng sapat na pagkakataon. Lucky number for today: 9.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Isang madramang sitwasyon ang mag-uumpisang kumalma. Pababain na ang emosyon. Sa halip na manatiling kumokontra, pagbigyan muna ang mga pangyayari. Lucky number for today: 6.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Sa isang relasyon, nakakaramdam ka na ng pag-aalinlangan at nag-uumpisa nang mag-isip kung ano ang magiging benepisyo sa iyo. Kailangan mo nang kausapin ang iyong partner para magkali­nawan. Lucky number for today: 12.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Maging parehas sa lahat ng pagkakataon. Ilagay mo rin ang iyong sarili sa posisyon ng taong nasa harap mo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa paghahanap ng mali ang pokus mo. Lucky number for today: 46.

PISCES (February 19-March 20) – Kung natatakot sa isang sitwasyon, tanungin ang sarili kung ano ang mawawala sa iyo? Timbangin ang mga advantages at disadvantages nito. Mas madaling makakapagdesisyon kung malinaw sa iyo ang pinapasok mo. Lucky number for today: 5.