Una sa Balita

Horoscope 07/5/19

0 295

ARIES (March 21-April 19) – May positibong pangyayari na maaring maging daan para magkaroon ka ng dagdag na kita. Iwasan munang kontrahin ang pagbabagong pinag-iisipan mo. Piliting maging positibo sa lahat ng pagkakataon at makakakita ka ng malaking improvement. Lucky number for today: 19

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi ka puwedeng mag-stay sa iisang puwesto at pagkatapos ay aasa sa ma­laking pangyayari. Hindi ito ibibigay sa iyo nang libre. Kailangan mong umaksyon para makita ang hinahanap mong resulta. Lucky number for today: 7

GEMINI (May 21-June 20) – Posibleng ikaw lamang ang kumikilos ngayon pero nag-e-enjoy ka naman sa mga dumarating na hamon sa anumang ipinupursige mo. Ituloy lamang makukuha mo rin ang hinihintay na suporta sa mga darating na araw. Lucky number for today: 18

CANCER (June 21-July 22) – Masyadong magiging hectic ang schedule mo ngayon pero nakaalalay naman ang mga tapat na kaibigan sa bawat mahihirap na hakbang na kailangan mong pagdaanan. Ang kanilang suporta ay kusa nilang ibinibigay bilang pagtanaw sa mga nagawa mo para sa kanila. Lucky number for today: 50

LEO (July 23-August 22) – Ang limitasyon na nakikita mo ay nasa isip mo lamang. Gawin ang nararapat, ibuhos ang iyong 100 percent effort at positibong resulta ang aanihin. ‘Wag din pa­kinggan ang negatibong komento ng iba. Lucky number for today: 2

VIRGO (August 23- September 22) – Halos magkakasabay-sabay ang mga pangyayari ngayon. Pero hindi dapat ma­ngamba, mananatili ang iyong kontrol. Alalaha­ning mas lalo kang luma­lakas kapag nakakaramdam ka ng hamon. Lucky number for today: 20

LIBRA (September 23-October 22) – Kung iniisip mong magiging masaya ka, ganito ang mangyayari pero kung iniisip mong hindi ka masaya, maaga mong nakukumbinsi ang isip mo na hindi ka nga sasaya. Stay positive dahil ikaw ang tumatayong magnet sa mga pangyayari. Lucky number for today: 51

SCORPIO (October 23-November 21) – Sikaping maging extra nice sa mga tao sa paligid mo hindi lamang sa mga kaibigan kundi pati sa mga taong madalas mong kakontra. Hindi mo makokontrol ang iniiisip ng ibang tao kaya iwasan na lamang na magpaka-nega. Lucky number for today: 37

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Kung merong gustong ipagawa sa iyo ngayon ang isang kaibigan at hindi ka komportable rito, ‘wag kang magpapilit. Maaring magtampo ang kaibigan mo pero makakaunawa rin siya sa dakong huli. Lucky number for today: 6

CAPRICORN (December 22-January 19) – Magtiwala na walang imposible sa isang taong pursigidong gumawa ng pangalan at mag-iwan ng marka sa kanyang pali­gid. Nasa iyong kamay ang paraan para tiyaking positibo ang imamarka mo. Lucky number for today: 28

AQUARIUS (January 20-February 18) – May mga taong nagsasabing masyado kang nagiging maingat pero kailangan mo ito ngayon. Nararamdaman mong may mala­king pagbabagong magaganap kaya tama lamang na paghandaan ito. Lucky number for today: 41

PISCES (February 19-March 20) – Hindi mo kailangang umakto gaya ng laging iniisip ng ibang tao sa iyo. May karapatan kang gawin kung ano ang gusto mo kahit taliwas ito sa inaa­sahan sa iyo. Lucky number for today: 31

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy