Una sa Balita

Horoscope 07/31/2018

0 269

ARIES (March 21-April 19) – May dapat kang patunayan ngayon. Ipakita sa ibang tao kung paano ang dapat gawin para makumbinsi sila sa iyong ideya at pana­naw. Lucky number for today: 28

TAURUS (April 20-May 20) – May mga delay na hindi maiiwasan. Dagdag pressure ang nararamdaman mong tensyon kung saan kailangan mong patunayan ang kakayahan mo sa ilang maimpluwensyang tao. Lucky number for today: 20

GEMINI (May 21-June 20) – Kinikilala ng mga tao sa paligid mo ang iyong opinyon kaya maraming sa iyo tumatakbo para manghingi ng advise. May ilang plano na hindi agad maisusulong. Maghintay muna ng magandang pagkakataon. Lucky number for today: 13

Abante Hiring – IT dep

CANCER (June 21-July 22) – May komplikasyong hatid ang isang sitwasyon. Kailangan mo ng isang taong mapagkakatiwalaan para alalayan ka sa mga teknikal na aspeto. Dagdagan pa ang pagtitiyaga. Lucky number for today: 44

LEO (July 23-August 22) – Masyadong sensitibo ngayon ang ilang tao sa paligid mo. Mag-ingat dahil posibleng maging personal ang ilang isyu. Kalmahin muna ang sarili kung may kailangan kang i-discuss. Lucky number for today: 29

VIRGO (August 23-September 22) – Walang nagdududa sa iyong abilidad. Iwasang maging masyadong balat-sibuyas. Sa halip ibigay ang iyong buong kooperasyon. Wala ring nang-aagaw ng iyong kredito. Lucky number for today: 17

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Importante ngayon na bigyang pansin ang aspeto ng kalusugan. Kung nasosobrahan ka na sa pressure, kailangan mo ring mag-unwind. Higit sa yaman ang importansya ng kalusugan. Lucky number for today: 54

SCORPIO (October 23-November 21) – Batid ng taong pinagtitiwalaan mo na hindi mo sinasabi ang lahat-lahat. Sa kabila nito, nananatili ang kanyang suporta sa iyo at ang paghihintay kung kailan kang magiging handang ipagkatiwala ang lahat sa kanya. Lucky number for today: 50

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Isang bagong sistema ang hindi masamang subukan. Bagama’t hindi pamilyar ang lahat ng hakbang, may paraan para makabuo ng sari­ling estratehiya. Lucky number for today: 4

CAPRICORN (December 22-Janua­ry 19) – ‘Wag nang maghintay ng ebidensya bago magtiwala sa sariling kakayahan. Ikaw na lamang ang hindi kumbinsido dahil ang mga taong nasa paligid mo ay buo ang tiwala sa iyo. Lucky number for today: 36

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hindi na maibabalik ang iyong nakaraan. Gaano ka man naging masaya, alalahanin ang lahat ay may katapusan. Kaya tanggapin na lamang kung ano ang nasa kasalukuyan at move on nang tuluyan. Lucky number for today: 19

PISCES (February 19-March 20) – Hindi masamang manga­rap sa pinakamataas at ‘wag makuntento sa second best lalo na kung may kinalaman ito sa lovelife. Kung kailangang maghintay, gawin ito. Lucky number for today: 3