Una sa Balita

Horoscope 07/30/2018

0 195

ARIES (March 21-April 19) – Kung may obligasyon ka na matagal mo nang napapabayaan, ngayon ang tamang araw para itutok dito ang iyong pokus. Ang ibang responsibilidad at obligasyon ay makapaghihintay sa iba mong prayoridad. Lucky number for today: 45.

TAURUS (April 20-May 20) – Malaking inspirasyon ang dulot ng isang espesyal na pagbati at atensyon na ibibigay ng isang indibiduwal. Ipinapakita lamang nito na meron kang espesyal na pagtingin sa taong ito. Ang tanong ngayon ay may puwang pa ba siya sa buhay mo? Lucky number for today: 4.

GEMINI (May 21-June 20) – Maging bukas sa mga ideyang magpapalawak sa iyong interes. May pagbibiyahe na posibleng gawin at malaking benepisyo ang idudulot nito. Mabibigyan ka rin ng pagkakataong mag-explore sa mga bagong teritoryo. Lucky number for today: 53.

CANCER (June 21-July 22) – ‘Wag nang pag-aksayahan ng panahon ang isang tao kung hindi naman siya makumbinsi. Hindi mo maipipilit ang isang bagay kung talagang inaayawan ito. Darating ang tamang panahon na ang hinihintay mo ay ibibigay nang kusa. Lucky number for today: 29.

LEO (July 23-August 22) – Hayaan mo muna ang ibang tao na gawin ang kanilang sariling gusto at makapagdesisyon nang hindi ka nakikialam. Hindi mo rin gugustuhing laging may nagmamando sa bawat ginagawa mo. Lucky number for today: 57.

VIRGO (August 23-September 22) – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay boring ang pagiging praktikal. Kaila­ngan mo lamang ibalanse ang lahat. Hindi lahat ng shortcut ay magbibigay-benepisyo sa iyo. May prosesong kailangan mong pagdaanan nang hindi nagmamadali. Lucky ­number for today: 52.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Ma­tindi ang iyong determinasyon na gawin ang gusto mo alinsunod sa prosesong napili mo. Hindi uubra ang anumang pagtatangka ng ibang tao na turuan ka. Lucky number for today: 30.

SCORPIO (October 23-November 21) – Mahirap para sa iyo ngayon ang makiayon lalo na sa taong hindi mo talaga gusto. Gayunpaman, sa pagkakataong ito ay magbibigay benepisyo ang pakikiayon kaysa sa pagsalungat. Kailangan mo munang kontrolin ang personal mong opinyon. Lucky number for today: 57.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May ilang palaisipan at misteryo sa paligid. Hindi rin agad makukuha ang mga kasagutang hanap mo. Kailangan mo ­munang palipasin ang ilang araw bago masagot ang iyong mga tanong. Lucky ­number for today: 54.

CAPRICORN (December 22-January 19) – May pangambang hatid ang isang bagong commitment. Kung may kinalaman ito sa bagong lovelife, makabubuting ikonsidera ang iyong kutob. ‘Wag munang pumasok sa mas mataas na lebel ng commitment kung hindi ka pa ganap na handa. Lucky number for today: 1.

AQUARIUS (January 20-February 18) – May tamang paraan para hingin ang kooperasyon ng ibang tao. Hindi ito laging madadaan sa pag-uutos. Kailangang pairalin ngayon ang diplomasya para makuha ang suporta ng lahat. Lucky number for today: 14.

PISCES (February 19-March 20) – Magrelaks dahil pinahihirapan mo lamang ang sarili mo sa sobrang pressure na ikaw rin mismo ang nagpapatupad. Huwag munang masyadong makialam at manghimasok. Kayang kumilos ng mga tao sa paligid mo nang hindi mo kailangang tumutok bawat minuto. Lucky number for today: 27.