Una sa Balita

Horoscope 07/29/18

0 203

ARIES (March 21-April 19) – May pagkakataon ka para mapalawak ang iyong karanasan kung iga-grab mo ang isang mabubuksang oportunidad. May kinalaman dito ang isang pagbibiyahe. Mas mataas din ngayon ang pagkagusto mong magkaroon ng bagong adventure. Lucky number for today: 12

TAURUS (April 20-May 20) – May pagkakataong masyado tayong natata­ngay ng damdamin sa kagustuhang maipaglaban ang gusto natin. Kasunod nito ang pagka-guilty sa iyong ginawa. Manatiling positibo, samantalahin ang pagkakataon para ituloy ang momentum. Lucky number for today: 34

GEMINI (May 21-June 20) – May mga aberya sa mga pinagdaraanan mong proseso pagda­ting sa iyong career. May upgrade na kailangang gawin. Maraming opsyon na nabubuksan pero hindi lahat ito ay nababagay sa iyo. Makinig sa payo ng mga nakatatanda. Lucky number for today: 32

CANCER (June 21-July 22) – Malakas ang temptation ngayon para makipagsapalaran at pagbigyan ang mga hinahanap na adventure. Hindi masamang magrelaks. May susunod pang araw para muling magseryoso. Lucky number for today: 4

LEO (July 23-August 22) – Maaring hindi maiwasan ang ilang pagkaantala sa iyong mga pinaghirapang plano. Sa halip na panghinaan ng loob, ituring itong hamon na kayang-kayang resolbahin. Gamitin ang Plan B kung talagang hindi makaarangkada. Lucky number for today: 6

VIRGO (August 23-September 22) – Hindi mo gugustuhing makiayon sa iyo ang lahat, magdudulot din ito ng pagkabagot. Nagbibigay sig­la ang mga pagkontrang natatanggap at nagiging hamon ito sa iyo para lalo pang paghusayan ang mga ginagawa. Lucky number for today: 47

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Gusto mo ng suporta ng iba pero gusto mo ring idikta sa kanila kung kelan at kung paano ito gagawin. Makabubuting daanin ang lahat sa diplomasya. Hindi rin naman uubrang ikaw lamang ang masaya habang ang lahat ay nagsesentimiyento. Lucky number for today: 46

SCORPIO (October 23- November 21) – Ang pagiging kumpiyansa ay hindi dapat mahaluan ng pagmamataas. Balansehin ang pakikitungo sa mga tao sa paligid mo. Maaa­ring hindi mo napapansin pero nakakasagasa ka na sa damdamin ng iba. Lucky number for today: 35

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Masarap kung alam mong malawak ang iyong impluwensya sa mga kaibigan at kasamahan. Pero kailangang bumalanse kung kailan gagamitin ang impluwensyang ito. Kailangan ding paghusayan ang linya ng iyong komunikasyon. Lucky number for today: 21

CAPRICORN (December 22-January 19) – May isang taong nagkakaroon ng maling pagkilala sa iyo at nakakaapekto ito sa inyong samahan. Makabubu­ting makipag-usap nang seryosohan at nang magkalinawan. Ang lahat ay nadadaan sa kalmadong paraan. Lucky number for today: 42

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo. Merong mga bagay na hindi sinasabi sa iyo. Kailangan mo ngayong doblehin ang pagmamasid kung sino ang mga dapat pagtiwalaan at kung sino ang may ibang interes. Lucky number for today: 57

PISCES (February 19-March 20) – May isang pangyayaring magpapaalala sa iyo sa isang masaklap na nakaraan. Magbubukas din ito ng oportunidad para ganap ka nang makapagpatawad at tuluyang makapag-move on. Lucky number for today: 49