Una sa Balita

Horoscope 07/28/18

0 211

ARIES (March 21-April 19) – Pinapaboran sa araw na ito ang ‘yong lovelife at friendship. Kaya kung may naka-iskedyul kang date o anumang pagtitipon,  magi­g­ing mas ekstra espesyal ang mabubuksang oportunidad para sa iyo. Para sa mga naghahanap pa lamang ng mamahalin, may magandang pagkakataon ngayon. Lucky number for today: 25

TAURUS (April 20-May 20) – Nasa career at sa iyong reputasyon o imahe ang pokus ng araw na ito. Maging handa sa anumang career-related development. May malaking pagbabago na puwedeng mangyari. Lucky number for today: 12

GEMINI (May 21-June20) – Ang mga koneksyon sa mga taong nasa malayo, mga legal matters at pagbibiyahe naman ang puwedeng ma­ging pokus ng araw na ito. ‘Wag panghinaan ng loob kung may komplikasyon sa isang napagplanuhan. Maghintay muna ng ilang araw. Lucky number for today: 14

CANCER (June 21-July 22) – Isang isyung pinansyal ang puwedeng maging sentro ng araw na ito. Kailangan muna itong resolbahin habang kaya pang agapan. Maaari ring hindi maiwasan ang ilang aberya kaya doblehin ang pag-iingat. Lucky number for today: 40
 LEO (July 23-August 22) –  Ang isyu ngayon ay nasa partnership at mga commitment kaya pasok din dito ang usapin sa iyong lovelife. Kailangan mong manimbang at iwasan munang makipagdiskusyon. Lucky number for today: 38

VIRGO (August 23- September 22) – Isang usapin na may kinalaman sa pagbibigay ng serbisyo sa iba ang magiging sentro ng iyong pokus. Kailangan mong maging alerto at agad makakilos kapag nagkaroon ng hindi inaasahang development. Bantayan din ang aspeto ng iyong kalusugan. Lucky number for today: 12

Related Posts

 LIBRA (September 23-October 22) – Romansa at pagsasaya ang magiging sentro ng araw na ito. Bigyan ng pagkakataon ang iyong sarili na makapagrelaks ngayong weekend. May naghihintay na positibong pangyayari. Lucky number for today: 58

SCORPIO (October 23- November 21) – Usapin na may kinalaman sa pamilya ang makakaagaw ng iyong atensyon. May tensyon na maaaring may kinalaman sa isang hidwaan ng pamilya. Bigyan ito ng sapat na pokus. Doblehin din ang pag-iingat. Lucky number for today: 16 

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Sa aspekto ng komunikasyon, kontrata at mga kasunduan ang aagaw ng iyong atensyon sa araw na ito. Maging mas maingat kung may mga kasunduang kailangang pasukin. Alamin munang mabuti ang lahat ng posibilidad bago ibigay ang iyong commitment. Lucky number for today: 8

CAPRICORN (December 22-January 19) – Gaano ka man ka-organisado, posibleng hindi makaiwas sa isang aberya. May kinalaman ito sa aspetong pinansyal. May pagkakataon para itama ang lahat. Lucky number for today: 8 

AQUARIUS (January 20-February 18) – May wake-up call ngayon pagdating sa isang pakiki­pagrelasyon. Puwedeng sa relasyon sa pamilya ito konektado. May isang sikretong puwedeng mabunyag. Lucky number for today: 3 

PISCES (February 19-March 20) – May ilang komplikasyon na hatid ang araw na ito. Mas magiging emosyunal ka rin ngayon. Isang isyung may kinalaman sa kalusugan ng isang taong malapit sa iyo ang puwedeng maging pokus ng iyong atensyon. Lucky number for today: 53