Una sa Balita

Horoscope 07/27/2018

0 190

ARIES (March 21-April 19) – Maging alerto sa second chances. Kung nagkaroon ng kapalpakan sa dati, may pagkakataon ngayong makabawi. ‘Wag pakawalan ang oportunidad. Lucky number for today: 42.

TAURUS (April 20-May 20) – Mas may benepisyo ngayon ang pagta­yong tagamasid kaysa umaksyon pagdating sa usaping may kinalaman sa iyong lovelife. Hayaan mo muna ang mga pangyayari at iwasan ding magbigay ng anumang reaksyon na posibleng pagmulan lamang ng tampuhan. Lucky number for today: 27.

GEMINI (May 21-June 20) – Maaaring ma-frustrate sa araw na ito dahil tila mailap ang mga gusto mo at may puwersang pumipigil para makuha ito. Ibahin muna ang pokus at magpalipas ng ilang araw. May mga prosesong hindi nakukuha sa kahit anong pagmamadali. Lucky ­number for today: 26.

CANCER (June 21-July 22) – Hindi masamang mag-celebrate kahit sa munting tagumpay. Isang aksyon ang magbibigay ng closure na matagal mo nang hinihintay. Nakaka­gaan ng pakiramdam ang pagmo-move on. Lucky number for today: 33.

LEO (July 23-August 22) – Mas totoo para sa iyo ngayong araw na ito ang kasabihang “better late than never”. Kaya kung may isang taong malapit sa puso mo na kumakatok para makabawi sa kanyang pagkukulang, hindi masamang bigyan siya ng ikalawang pagkakataon. Lucky number for today: 26.

VIRGO (August 23- September 22) – Hindi lamang sa ibang tao mo dapat sinasabi na manati­ling positibo. Mas higit dapat na sabihin ito sa sarili mo. Ang anumang pagpopokus sa mga na­ging pagkakamali ay lalo lamang magpapabigat sa iyong nararamdaman. Lucky number for today: 31.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Isang proseso ang lilitaw na one-sided at tila hindi pumapabor sa iyo. Dumistansya muna at tingnan kung saan ka dapat gumawa ng adjustment. Kaya mo pang maipihit ito sa direksyong aangkop sa panlasa mo. Lucky number for today: 25.

SCORPIO (October 23-November 21) – Ang inaakala mong dapat ­katakutan ay mapapatunayang mas nakakatawa pala. Puwede ka nang magrelaks. Nagawa mo na ang lahat ng effort mo. Makikita mo na ang bunga ng mga pinaghirapan mo. Lucky number for today: 21.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Malaki ang maidudulot mong improvement sa buhay ng isang taong malapit sa iyo. Makikita mo rin na habang tinutulungan mo siya, nabibigyan ka rin ng benepisyo. Lucky number for today: 46.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Sa pagsasaya, marami kang kasama pero sa pag-iyak, makikita mong nag-iisa ka lamang. Hindi masamang magsentimi­yento pero huwag ibuhos dito ang lahat ng oras mo. Libangin ang sarili dahil walang maitutulong ang pagmumukmok. Lucky number for today: 55.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Pakiramdam mo ay napupuwersa kang gawin ang isang bagay na labag sa loob mo. Sa kabila nito, kailangan mo munang makiayon. Mas malaking problema ang idudulot ng pagkontra. Lucky number for today: 30.

PISCES (February 19-March 20) – ­Huwag agad magbigay ng konklusyon kung hindi mo pa alam ang buong pangyayari. Kunin mo muna ang lahat ng impormasyon. Marami ka pang hindi nalalaman. Lucky number for today: 29.