Una sa Balita

Horoscope 07/26/2018

0 257

ARIES (March 21-April 19) –  Posibleng mahirapan kang lagpasan ang isang isyu. Kakailanganin mo nang kausapin ang isang taong pinagtitiwalaan. Malaki ang maitutulong niya para ganap na maunawaan ang nangyayari. Lucky number for today: 31

TAURUS (April 20-May 20) – Ang pagmamatigas ay isang malaking problema para sa isang koneksyon mo. Hindi dapat maging black and white ang pagturing sa mga nangyayari. Kailangang lawakan mo pa ang pang-unawaan upang makaiwas sa samaan ng loob.  Lucky number for today:  39 

GEMINI (May 21-June20) – Mas mauunawaan mo ngayon ang ilang isyu pero kailangang maipakita mong kumpiyansa ka at matigas sa iyong mga desisyon. May mga pangyayaring hindi makapaghihintay kaya maging mabilis sa pag-aksyon. Lucky number for today: 2 

CANCER (June 21-July 22) – Mabagal ngayon ang progreso pagdating sa mga kailangan mong gawin. Maaring maramdaman mong para kang nani­nimbang sa mga numero. Huwag panghinaan ng loob, kailangang manatili kang may kumpiyansa sa sarili. Lucky number for today: 54 

LEO (July 23-August 22) – Marami kang responsibilidad na kailangang gawin. Gustuhin mo mang mag-explore sa ibang lugar na hindi mo pa nararating, marami ka pang dapat tapusin. Makapaghihintay ang pangangailangan sa bakasyon.  Lucky number for today: 40 

VIRGO (August 23- September 22) – Hindi ka man sigurado sa iyong abilidad, huwag itong ipahalata. Nasa projection lamang ang susi. Kung ipapakita mo ang takot, lalo kang hindi pagkakatiwalaan. Lucky number for today: 10 

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Ma­ging aktibo sa pakikipagsalamuha sa ibang tao. Kailangan mo ng iba’t ibang opinyon at pa­nanaw. Mas mapapalawak nito ang iyong kaalaman at magagamit ito sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 14 

SCORPIO (October 23-November 21) – Maraming kontrabida sa paligid pagdating sa iyong mga plano. Pero hindi sapat ito para pumatol at magpatangay sa init ng ulo. Tandaang ang pikon ay laging talo. Lucky number for today: 58 

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Maraming katanungan ang mahirap ihanap ng kasagutan sa araw na ito. May isang taong kailangan mong pagkatiwalaan dahil siya lamang ang makakatulong sa iyo. Lucky number for today: 24

CAPRICORN (December 22-January 19) – Hindi masamang ma­ging maingat pero may pagkakataong kailangan mo ring maging mas agresibo sa pag-aksyon. Sa araw na ito, pinapaboran ang pakikipagsapalaran. Lucky number for today: 30 

AQUARIUS (January 20-February 18) – Sa gitna ng mga problema, hindi makakatulong ang napakatagal na pag-iisip. Pakinggan ang iyong kutob at hayaang maging gabay sa pagdedesisyon ang iyong nararamdaman. Lucky number for today: 55

PISCES (February 19-March 20) – Isang sitwasyon ang hindi pumapabor sa panlasa mo. Maaring masyado lamang mataas ang iyong expectations. Gayunpaman, huwag panghinaan ng loob. Mag­palipas muna ng ilang araw.  Lucky number for today: 8